Prerogative po ng presumptive president na pumili ng kanyang gabinete. We are looking forward to seeing and studying the education platform of the incoming administration, and craft meaningful laws and policy for the education sector.
Handa rin po tayo sa Senado na makipagtulungan para mapabuti lalo ang sistema ng edukasyon sa bansa, simula sa pag-angat ng sitwasyon at kapakanan ng ating mga guro.
Naniniwala po tayo na nasa ating mga guro ang susi ng reporma sa edukasyon at krisis sa karunungan. Sila rin po ang nagtutulay ng mga estudyante na maging mga manggagawang mag-aambag sa kaunlaran ng bansa.
Malaki po ang role ng DepEd sa pagpapatupad ng mga landmark legislation gaya ng ating inakda at isinulong na Excellence in Teacher Education Act, Philippine Qualifications Framework Act, panukalang Second Congressional Commission on Education, at iba pa. We’re ready to help evaluate, tweak, or even introduce new initiatives to continue education reform under the leadership of soon-to-be Education Secretary Sara Duterte.
On teachers as election workers
Dahil sa mga napabalitang nagtagal ang proseso ng pagboto sa ilang mga lugar, hinihingi po natin sa DepEd na bigyan ng additional honoraria at allowance ang mga volunteer teachers na nag-overtime lampas sa walong oras bilang poll workers noong araw ng halalan.
Commensurate po dapat ang kanilang allowance sa bigat ng tungkulin na kanilang ginampanan sa eleksyon. Kasama pa dito ang di-nawawalang banta sa kanilang kaligtasan tuwing araw ng halalan, at banta sa kalusugan dahil sa pandemya.
Hiling din po natin sa Comelec na maibigay ang allowances ng mga guro sa loob ng 15 na araw matapos ang halalan, alinsunod sa batas.