Sen. Villanueva naghatid ng P9M medical assistance sa 9 na bayan sa Bulacan

UMABOT sa 1,280 pasyenteng Bulakenyo ang benepisyaryo ng libreng gamot o medical assistance mula sa inisyatiba ni Senator Joel Villanueva sa ginanap na turnover at pamamahagi ng gamot sa siyam na bayan sa Bulacan noong Huwebes, December 12, 2024 sa Joni Villanueva Sports Complex sa Bocaue.
(Mula sa kaliwa) Dr. Renely Tungol Medical Director of Joni Villanueva General Hospital (JVGH), Bocaue Councilors Aries Nieto, and Mira Bautista, former CIBAC Cong. Domeng Rivera, Mayor Ding Valeda of Obando, Bulacan and SJV Beneficiary Vice Mayor Sherwin Tugna sa ginanap na turnover ngf medicines worth P9-million mula sa Department of Health’s Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program sa tulong ni Senator Villanueva. CONTRIBUTED PHOTO
 Kabilang sa mga benepisaryo ay mga pasyenteng may hypertension, diabetes, at chronic kidney disease mula sa Angat, Balagtas, Bocaue, Bulakan, Hagonoy, Obando, Pandi, Plaridel, at Santa Maria.
 Ang inisyatibo, na pinondohan ng P9 milyon mula sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program ng Department of Health (DOH), ay nagbibigay rin ng laboratory procedures at isang buwang supply ng gamot para sa mga pasyente.
 Kasama ni Senator Villanueva sa pamamahagi ng gamot sina Obando Mayor Ding Valeda, Bocaue Vice Mayor Sherwin Tugna, Department of Budget and Management Central Luzon Director Rosalie Abesamis, at Bulacan Department of Health Head Dr. Emily Paulino.