
Naghatid ng saya si Senador Lito Lapid sa mga batang may espesyal na pangangailangan matapos ang kaniyang pagbisita sa dalawang ampunan sa Mabalacat, Pampanga, noong Miyerkules, Nobyembre 26.
Matagumpay itong naisakatuparan sa suporta mula sa Senate Service Chiefs Association, kung saan namahagi si Lapid ng ng ibat-ibang kapakinabangan ng mga benepisyaryo.
Kabilang dito ay mga wheelchairs, gatas, hygiene kits, at iba pang mahahalagang bagay sa mga inabandona at napabayaang mga bata.
Ang mga nabanggit na mga bata mula sa Munting Tahanan ng Nazareth sa Barangay Mabiga at sa Duyan ni Maria orphanage sa Mabalacat City na talagang nagdulot ng saya at sigla sa mga bata.
Ang pamunuan ng dalawang institusyon ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa senadora sa maagang regalo sa Pasko at sa pag-alala sa mga batang nasa ilalim ng kanilang pangangalaga.
Larawan mula sa: IORBIT News





