Sen. Alan Peter Cayetano namahagi ng livelihood, educational assistance sa 1,067 Bulakenyos

Tulong Pangkabuhayan para sa mga residente ng Obando, Bulacan mula sa inisyatiba ni Senator Alan Peter Cayetano sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kamakailan.
Sa pamamagitan ng  Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakatanggap mula kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano kamailan ang dalawang bayan sa lalawigan ng Bulacan ng tulong pangkabuhayan at edukasyon .
 
Nasa kabuuang 1,067 residente mula sa bayan ng Obando at Plaridel ang nakatanggap ng nasabing tulong mula kay Cayetano.

Nabatid na unang binisita ng Cayetano team kasama si Mayor Leonardo Valeda ang munisipalidad ng Obando para suportahan ang kabuhayan ng 400 residente mula sa iba’t ibang sektor.

Kasunod nito ay pumunta naman ang koponan ng senador sa bayan ng Plaridel kasama naman si Mayor Jocell Vistan-Casaje upang mamahagi ng tulong pang edukasyon sa 667 kabataan at mga estudyante sa kolehiyo. 
 
Ayon sa staff ni Cayetano,  ito ay ipinamahagi bilang tulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga Bulakenyo.

Lubos naman ang ipinaabot na pasasalamat nina Mayor Valeda at Mayor Casaje sa mga tulong na natanggap sa pamamagitan ng inisyatibo ni Cayetano.