SEC. SUSAN OPLE, MALAKI ANG MAITUTULONG SA KALAGAYAN NG MGA OFWs

Isang Bulakenya ang nakumpirma ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA,) ang ad-interim appointment ng overseas Filipino workers (OFWs) advocate na si Susan “Toots” Ople, bilang Kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW,) kamakailan.

 

Tsk! Tsk! Tsk! Isang magandang ideya na hawakan nga ni Susan Ople ang nasabing posisyon, sapagkat posibleng gayahin o malagpasan pa nito ang galing sa pamamahala ng yumaong Blas Ople, noong kapanahunan pa ng dating Pangulong Marcos, Sr., na ang yumaong Ople ay siyang pang kalihim ng Paggawa.

 

Bilang isang OFW noon, ang inyong Katropa ay naging isang ‘Filipino Community leader,’ sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia (KSA,) 1988-1995. Matapos ang ‘Gulf war,’ ay nagsimulang dumami ang mga kawawang OCWs  na nagsisipagtakbuhan sa Embahada ng Pilipinas, Riyadh, upang humingi ng tulong at magtago, mula sa mga malulupit at mapagsamantalng mga Among Arabong kanilang pinaglilingkuran. Nangyari iyun sa panahon nila Punong Sugo na ngayon ay pawang nagsiyao na, sina: H.E. Abraham Rasul at H.E. Romulo Espaldon.

 

Hindi lamang ‘ contract substitution,’ (ito ay iyung pagbabago ng mga tuntunin sa orihinal na pinagkasunduang trabaho sa pagitan ng isang OFW at ng paglilingkuran,) ang kasong kanilang kinakaharap, kundi pagmamaltrato, pananakit at panggagahasa ng mga baliw na Amo, at hindi lamang mga babaeng OFWs ang nalalapastangan noong panahon na iyun, kundi mga lalaki din. 
 
Sana naman si Kalihim Susan Ople ay maging karapat-dapat sa katungkulang ito, at sa kanyang panahon ay mawala na ang problemang ating naisulat, na kinasasangkutan ng ating mga ‘hapless’ OCWs. Kung meron man ay agad na maaksyunan, at mabigyan ng hustisya ang mga api. Ang bagong pag-asa ng mga OFWs. Mabuhay ka Sec. Susan Ople.
 
***

May natanggap tayong imbitasyon mula kay Carlos Salazar, na siya ay maglulunsad ng ‘Feeding Program’ para sa mga kabataang, ‘grade I and grade II,’ mga  magaaral sa Tabang Elementary School, Tabang Guiguinto, Bulacan, sa kanyang kaarawan sa ika- 6 ng Disyembre, 2022.

Ayon kay Salazar, “Alam nyo po ba na kaya pumasok sa isip ko ang maglunsad ng FEEDING PROGRAM ay dahil tunay na pangyayaring ito sa mga batang mag-aaral?

Ang tulad ng mga bata na ito, sa darating kong kaarawan ang aking ipaghahanda upang kahit paano ay mapukaw ang nakakaantig na damdamin na ating nadarama.”

 

Tsk! Tsk! Tsk! Posibleng ang ibig niyang sabihin na ‘nakaaantig na damdamin na kanyang nadarama,’ ay bigyan ng pagpapahalaga, pagkalinga at pagmamahal ang kalagayan ng mga batang magaaral sa nasabing Paaralan. Si Salazar ay siyang ‘Administrator’ ng dalawang ‘accounts’ sa Facedbook, na may libu-libong tagasunod. Mabuhay ka Carlos!