PORMAL nang binuksan sa publiko para sa mga motorista ng property giant and pioneering township developer Megaworld ang San Fernando Avenue na nasa loob ng ng 35.6-hectare Capital Town township sa City of San Fernando sa Pampanga ngayong February 22, 2023.
Ang six-lane, 30-meter-wide road na parte ng Central Avenue at San Fernando Boulevard na nasa loob ng nasabing township ay magpapaluwag ng daloy ng trapiko sa bahagi ng Lazatin Blvd. at Capitol Blvd.
Pinangunahan nina San Fernando City Mayor Vilma Caluag at Vice Mayor Benedict Jasper Lagman kasama sina Kevin L. Tan (Chief Executive Officer, Alliance Global Group), Andrew Escaler (Joint Venture Partner), Eugene Lozano (Senior Vice President for Sales and Marketing, Megaworld Pampanga) at San Fernando City Tourism Officer Ching Pangilinan ang isinagawang ribbon cutting ceremony sa nasabing inagurasyon.
Sinabi ni Lozano, ang Capital Town sa lalawigan ng Pampanga ay bersyon ng Eastwood, Uptown Bonifacio at McKinley Hill na maghahatid ng libu-libong employment opportunities, tourism at kakaibang residential community.
“This is where the vision of creating a progressive township that will help boost tourism, provide thousands of jobs and further spur economic opportunities here in Pampanga started. We wanted to embrace the Kapampangan’s pride and culture and integrated to a world class development here in Capital Town,” wika ni Lozano.
Ayon naman kay Mayor Lagman sa kaniyang mensahe, ang formal opening ng Capital Town Road ay nangangahulugan ng paglulunsad ng koneksyon ng publiko sa Megaworld first ever township project sa Central Luzon at Northern Luzon.
“The City Government of San Fernando is very grateful, we are thankful that Megaworld open this road to augment existing public roads in the area,” ayon kay Lagman.
Makakatulong din ito na mapadali ang maayos na paggalaw ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas mabilis na access sa iba pang mga commercial establishments sa lungsod.
Kasabay ng pagbubukas ng kalsada, ipinagdiriwang din ng Megaworld ang iba pang mga milestone ng New York City-inspired township nito.
Malapit na rin makumpleto ang 14-storey Chelsea Parkplace, ang first residential condominium development ng Megaworld sa loob ng Capital Town, habang nag ground break na rin ng four-storey Pasudeco Tower.
“Capital Town proudly celebrates its major milestones as we continue ushering a future built on heritage and culture here in the City of San Fernando. These achievements mark an important phase for the township, and we are excited to see the rest of this vision come together,” wika pa ni Lozano.
Katabi rin nito ang mga major establishments na itatayo sa Capital Town ang museum, Shophouse District, iconic Capital Town Clock Tower at Sales and Information Center, Philippines’ biggest McDonald’s store, Chelsea Parkplace na ngayon ay nasa 95% sold out na.
Ang Capital Town Pampanga ay inaasahang makapaghahatid ng 250,000 direct and indirect jobs sa mga Kapampangan at makakaapekto rin ito sa mga ibang sektor gaya ng transport, retail, food, construction at iba pa.
“These milestones are proof of Megaworld’s commitment to helping bring social and economic development in the City of San Fernando. We are proud to have made great strides in the city as we continue our partnership with the local government through initiatives that help San Fernando become a symbol of progress,” sabi ni Lozano.
Ito ay malapit din sa Pampanga Provincial Capitol, Capital Town kung saan mismong nakatayo ito sa dating lugar ng Pampanga Sugar Development Company (Pasudeco), ang first Filipino-financed sugar central sa Pampanga na itinayo noong 1921.