Road rehabilitation sa Brgy Perez, Taliptip malapit na makumpleto

Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH)- Bulacan First District Engineering Office na makukumpleto na ang isinasagawang road rehabilitation sa provincial road sa bahagi ng Barangay Perez at Barangay Taliptip sa Bulakan, Bulacan bago matapos ang buwan ng Hunyo.
DE Henry Alcantara DPWH-Bulacan First District Engineering Office
 
Ayon kay District Engineer Henry Alcantara, ang dalawang road construction sa nasabing mga lugar ay inaasahang makukumpleto hanggang Hunyo 25 base na rin sa contract duration ng konstruksyon.
 
Sinabi ni Alcantara na ang Barangay Perez road rehabilitation with drainage ay nakatakdang matapos ng June 15 at maaari nang madaanan ng mga motorista ang both lanes pagkaraan ng 7-day curing process.
 
Hanggang June 25 naman ang nakasaad sa kontrata para matapos ang rehabilitation at retaining wall sa  bahagi ng Barangay Taliptip.
 
Ito ay kapwa mayroong nakalaang tig-P6.9 milyon budget mula sa Department of Budget and Management (DBM) sa ilalim ng General Appropriation Act (GAA) na inilaan ni Congressman Danny Domingo ng Bulacan First District.
 
Pinabulaanan din ng DPWH ang pahayag ni Ma. Emmie Fernando, municipal engineer ng Lokal na Pamahalaan ng Bulakan na wala silang notice sa munisipyo hinggil sa 2 proyekto kung saan may hawak sila umanong dokumento ng received copy ng tanggapan ng alkalde na may petsang Disyembre 14, 2023 kaugnay ng isasagawang bidding.
Patuloy ang isinasagawang konstruksyon sa Provincial Road, Barangay Taliptip, Bulakan, Bulacan ng DPWH
 
“Nagsagawa po tayo ng proper coordination sa munisipyo at sa mga barangays about these projects, iyon po ang protocol, ” wika ni DE Alcantara kung saan sinabi pa nito na- “even before the notice to proceed dated March 1, 2024 ay nagsagawa na rin kami ng pre-construction activities kabilang na ang preparation sa retaining wall to take advantage of the good weather condition”.
 
Magugunita na nagkaroon ng pagkabalam ng ilang araw sa proyekto sanhi ng pag-ulan at hightide na nagdulot ng maputik na kalsadahan na nagsanhi ng ilang insidente.
 
Ayon sa DPWH, nasa full blast ang kanilang ginagawang construction activities hinggil sa naturang proyekto kung saan tiniyak nito na matatapos ang pagawain sa nakatakdang petsa sa kontrata.