Rice Distribution

Sa ngalan ni Congressman Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., pinangunahan ni Political Affairs Assistant I Michael Lising ang pamimigay ng 2 kaban ng bigas sa 7 mosque sa Barangay Balibago, Pampang, Pandan, San Nicolas, at Sta. Trinidad ng Angeles City; 3 mosque sa Barangay Madapdap, San Francisco, at Tabun ng Mabalacat City; at 3 mosque sa Barangay San Isidro at Sta. Lucia ng Magalang bago ang umpisa ng Ramadan ngayong darating na linggo.

Ang pamimigay ng bigas sa mga mosque ay naging taunang tradisyon na ni Cong Pogi bilang pakikiisa sa relihoyosong tradisyon ng ating mga kapatid na Muslim.

Kasama ni Lising sa pamimigay ng bigas si Manuel Chan ng Sto. Rosario, Angeles City.