‘Reseta’ pharmacy, ayuda, medical mission hatid ng mga beauty queens sa Bulacan

NAGSAGAWA ng isang medical mission at turnover ng relief goods ang mga tinaguriang beauty queens sa bansa para sa mga residente ng Barangay San Juan, Barangay Sto Rosario at Barangay Sto Nino sa Lungsod ng Malolos na nasalanta ng Bagyong Carina at Hanging Habagat.
Tumanggap ng relief goods ang mga tatlong barangay sa Lungsod ng Malolos sa pakikipagtulungan ng Reseta Pharmacy at FPJ Panday bayanihan sa pangunguna nina Krischelle Halili (kaliwa) at Brian Poe (Kanan). Kuha ni: ERICK SILVERIO
 
Isinagawa ang nasabing medical mission at turnover ng relief goods kasabay ng inagurasyon o pagbubukas ng Reseta Pharmacy nitong Biyernes (Agosto 2) sa pangunguna ng mga naggagandahang mga beauty queens ng bansa sa pakikipagtulungan ng FPJ Panday Bayanihan Foundation.
 
Kabilang sa mga nagtaguyod o co-founders ng Reseta ay sina Krischelle Halili, 2014 Miss Manila na ngayon ay isa nang doktora, Angelia Ong-Miss Earth 2015 at Justine Felizarta na wagi bilang Century Superbods 2024. kasama rin sumuporta at dumalo sina Kristella Avello-2023 Century Superbods ang ang Columbian Miss Earth 2016 na si Mischelle Gomez.
 
Dumalo rin dito si Brian Poe Llamanzares, Chairman ng FPJ Panday Bayanihan na isa sa mga sponsor ng relief assistance para sa 200 typhoon-affected residents sa Malolos.
 
Nasa 200 Malolos residents ang nakinabang naman sa medical mission na ginanap sa umaga bago isinagawa ang motorcade at pagkaraan ay inauguration ng Reseta Pharmacy.
 
Medical mission para sa 200 residente ng Malolos City sa tulong ng Reseta Pharmacy at FPJ Panday bayanihan. Kuha ni: ERICK SILVERIO
Ayon kay Ong, ang Reseta Pharmacy ay first business na itinatag at suportado together ng mga beauty queens kung saan hatid nito ang makatulong sa ibang tao sa pamamagitan ng relief distribution at medical mission kahit hindi pa sila isang organisasyon.
 
“We intend to do at least once a month a free clinic based and depend on the Department of Health (DOH) calendars event for the month. With this pharmaceutical facility with tagline “Deserve Mo Ginhawa”, this is different cause it’s like a pharmacy retail in abroad with also local and international brands of beauty products”, wika ni Halili.
 
“We expressed our interest to be part and one of the pharmacies that people of Malolos can count on to use those extended services in the government,” ayon kay Ong.