POLPhil sanib puwersa para sa FPJ Panday Bayanihan Partylist

Sanib puwersa ng POLPhil mula sa ibat-ibang sectoral organizations para suportahan ang FPJ Panday Bayanihan Partylist.
 
 
Nagsanib kamay ang lider ng ibat-ibang sectoral na organisasyon, pawang kasapi ng Political Officers League of the Philippines (POLPhil) nang suportahan nila ang FPJ Panday Bayanihan partylist na kaparehong nilang naglalayon na isulong ang batayang kahilingan ng mamamayan na Pagkain, Progreso at Hustisya. Isinagawa ang pulong pambalitaan ng POLPhil nitong Biyernes sa isang restaurant sa Quezon Memorial Circle ng Quezon City.