ITINUTURING na tapos na ang political dynasty sa lalawigan ng Bulacan makaraang dominahin ng mga kandidato mula sa National Unity Party (NUP) ang pagka-panalo sa nakaraang 2022 National and Local Elections.
Sa loob ng mahigit tatlong dekadang panunungkulan ng pamilya Sy-Alvarado sa pangunguna ni incumbent Vice-Governor Willy Sy-Alvarado ay nagtapos na ang kanilang political reign sa lalawigan nang talunin siya ni NUP standard bearer Governor Daniel Fernando via landslide victory.
Ang nakababatang si incumbent First District Congressman Jonathan Sy-Alvarado naman na tumakbo para sa kaniyang ikatlong termino ay natalo rin kay former Malolos Mayor Danny Domingo, mula rin sa Partido ng NUP bilang Kinatawan ng nasabing distrito.
Ang mga Alvarado ang siyang namayani sa mahigit 30 taon sa lalawigan ng Bulacan partikular na sa Unang Distrito kung saan naging kongresista ang ama, asawa at sa kasalukuyan ay ang anak sa nasabing distrito habang naging bise-gobernador/ gobernador at ngayon ay incumbent bise-gobernador ang nakatatandang Alvarado.
Sa pagkatalo ng mga Alvarado ay malinaw na ayaw na o nagsawa na ang mga Bulakenyo sa kanilang panunungkulan at nais naman nila na maiba ang sistema ng paglilingkod sa nasabing lalawigan.
Sa kasaysayan ng pulitika sa Bulacan ay ngayon lang nakatikim ng pagkatalo ang mga Alvarado.
Wagi rin ang running-mate ni Gov Fernando na si Vice-governor-elect Alex Castro laban sa dating congressman/ gobernador Jonjon Mendoza.