“YES pare! Praise and thanks God. Hirap na hirap pero kinaya.”
Ito ang bahagi ng text messages sa akin ni Bureau of Customs-Port of Subic (BOC-PoS) District Collector Marites “Meeks” Martin ukol sa kanyang lagpas sa target na koleksyong buwis na nalikom para sa nakaraang November ng taon.
Miski hindi ko nakikita si Coll. Martin, ramdam ko ang tuwa’t galak niya habang nakangiting nagrereply sa aking text message dahil sa magandang resulta ng kanyang over-target tax collection sa naturang buwan.
Pahirapan naman kasi talaga ang pagkolekta ng sapat na buwis sa gitna ng Pandemya. Kahanga-hanga ang naging todo-kayod ni Coll. Martin bukod pa ang determinasyon sa paglilingkod.
Hindi pinanghinaan ng loob ang ‘intelligent and workaholic’ na pinuno ng PoS sa seryosong hangarin na madale nito ang mataas na halagang buwis para proteksyunan ang interes ng ating gobyerno. Nakakabilib!
Gayunman, sa datos, naitala ni Coll. Martin ang actual tax collection na aabot sa P3,374,464,040.15, higit na mataas kumpara sa target na P3,250,000,000.00.
Kaya naman sa suma-total, tumataginting na P124,464,040.15 or 3.83% positive ang tax collection surplus ng PoS. Hindi masasabing maliit na halaga ito dahil sa patuloy na nararanasang “global economic crisis” na lubhang nakaapekto ng malaki sa import at export business ng ating bansa.
Kamangha-mangha, na mahigit isang daang milyong halaga ang sobra sa target. Sa palagay ba ninyo, kung mahinang klaseng pinuno ng puerto si Coll. Meeks Martin, kakayahin ba ng powers niya ang makalikom ng malaking halagang buwis sa panahon ng may pandaigdigang krisis sa ekonomiya? Ibang klase ang taglay na talino’t galing ni Coll. Martin sa paglikom ng buwis, sa totoo lang! Tama o mali?
Congratulations sa tropa ng Port of Subic, especially kay Coll. Meeks Martin. Keep up the good work and more power, Marekoy! Salute!