PLUNDER CASE ISINAMPA VS PANDI EX-MAYOR, 3 PA 

KASONG pandarambong, illegal use of public funds o technical malversation, at anti-graft and corrupt practices act ang kinakaharap ngayon ng dating alkalde ng bayan ng Pandi, Bulacan kasama ang tatlo pang indibidwal makaraang pormal na isampa ang kaso sa Office of the Ombudsman sa Quezon City nitong Lunes, Abril 25, 2022.

Base sa 14-pahinang complaint-affidavit na isinampa ni Armando Concepcion, kasalukuyang Municipal Administrator ng lokal na pamahalaan ng Pandi, si ex-mayor Celestino “Tinoy” Marquez  at tatlo pang indibidwal na sina Jonathan Antonio, Gavino Austria at Crispin Castro ay pawang nahaharap sa patong patong na kaso dahilan sa paglabag sa: Section 2 of Republic Act 7080, as amended by RA 7659 (Plunder), Article 220 of the Revised Penal Code for Illegal Use of Public Funds (technical malversation), at Sections 3 (a) and (g) of RA 3019 (Anti-Graft  and Corrupt Practices Act). 

Ayon kay Concepcion,  ibinase nito ang pagsampa ng kaso kontra sa mga inirereklamong indibidwal sa inilabas na ulat ng Commission on Audit (COA) na natanggap ng Pamahalaan Lokal ng Bayan ng Pandi kamakailan lamang, kung saan nadiskubre ang di umano’y anomalyang naganap sa proyektong  “Sagana at Ligtas na Tubig sa Lahat” (SALINTUBIG) program na pinondohan ng Department of Interior and Local Government (DILG) taong 2016-2018.

Nabatid na ang layunin ng proyektong ito ay magbigay ng mura, malinis, at maayos na suplay ng tubig sa mga Relocation Sites sa Bayan ng Pandi ngunit ito ay hindi nakamit at ang proyekto ay hindi nakapaghatid ng kapakinabangan sa mga mamamayan.  Malinaw na ang implementasyon ng nasabing proyekto ay hindi alinsunod sa probisyon ng Philippine Public-Private Partnership (PPP) Law. 


“The operations of the Potable Water Supply (PWS) or Salintubig Projects funded by the Department of Interior and Local Government (DILG) was awarded to Hiyas Water Resources, Inc. without adhering to the provisions of Republic Act (R.A.) No. 7718 or the Philippine Public-Private Partnership (PPP) law and its Revised Implementing Rules and Regulations (RIRR), resulting in absence of reasonable assurance that the government obtained the most advantageous terms for the contract. Moreover, some of the actual recipients or customers of the Water Supply were not among the intended  targeted beneficiaries indicated in the simplified feasibility studies submitted  upon conceptualization of the project thus, the objective of the project was not achieved,” ayon sa COA report.

Nakapaloob din sa report na hindi naging maayos ang serbisyo ng tubig dahil sa hindi sa lahat ng oras ay may suplay ng tubig sa mga kabahayan, bukod sa mahina pa ang daloy nito at hindi malinis. 

Ayon kay M.A. Concepcion, hawak na nila ang isang witness na dating empleyado ng munisipyo na syang pansamantalang di pinangalanan para sa kaniyang seguridad. Sya ang di umano’y magpapatunay sa tunay na kaganapan hinggil sa iregular na paggamit ng mahigit sa P50M na pondo ng SALINTUBIG- saan at paano ito nagamit ng mga nadawit na dati at kasalukuyang mga opisyal. 

Base pa sa report ng COA: ” There was no document showing that the local government of Pandi, Bulacan asked for the approval of the draft contract from the Department of Finance (DOF) even though the 3 Salintubig Projects were funded by the agency of the DILG. This is, therefore, a clear violation of the law on Philippine Public-Private Partnership (PPP)”.

Dagdag pa rito, lumalabas na si Ex-Mayor Marquez ay nakipagkontrata sa pribadong kontraktor na walang legal na kapahintulutan mula sa Sangguniang Bayan ng Pandi.

Sinubukan naman kunin ang panig nina Mayor Marquez subalit hindi ito sumasagot sa tawag at text messages.