Philhealth CL naglunsad ng Reel-Making and Digital Poster Making Competition para sa mga estudyante

Kasabay ng pagdiriwang ng National Health Insurance Month at ng Ika-29 anibersaryo nito ay inilunsad ng Philhealth Region 3 Office ang Reel-Making and Digital Poster Making Competition para sa mga estudyante sa Grade 8 at mga mag-aaral sa kolehiyo na ginanap sa Queen Pia’s Place sa Telabastagan, City of San Fernando, Pampanga nitong Pebrero 28, 2024.
 
Sa temang “Damang-dama ko ang Benepisyo”, bahagi ng selebrasyon ay ang Social Health Insurance Education Series (SHInES) na kung saan ay inilahad ang ilang mga pinahusay na mga benefit packages na hatid ng Philhealth.
Arlan Granali, Acting Branch Manager Philhealth PRO 3-Branch 2
 
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Arlan Granali, Acting Branch Manager ng Philhealth PRO 3-Branch 2, layunin nito na panatilihin ang mahusay na pagtutulungan sa pagitan ng PhilHealth, educators, students, at media sa pag-promote ng Universal Health Care & PhilHealth programs.
 
Himukin ang mga kabalikat na ahensiya na isama ang PhilHealth Learner’s Material sa kanilang  communication platforms for dissemination.
 
Kasama na ang launching ng Reel-Making para sa mag-aaral mula sa Grade 8 habang Digital Poster Making naman para sa mga college students sa pagdiriwang ng  PhilHealth’s 29th year anniversary. 
 
“The objective also is providing PhilHealth updates and active collaboration and discussion with Media Partners through Press briefing,” wika ni Granali. 
 
Sa ginanap na press conference ay inanunsiyo ni Granali  ang mga enhanced benefit packages na handog ng PhilHealth kabilang na rito ang expansion and institutionalization of hemodialysis for CKD 5 patients,  increased coverage for ischemic and hemorrhagic stroke, high-risk pneumonia, at cataract surgery per year.
 
PhilHealth press conference on Social Health Insurance Education Series (SHInES) and launching of Reel-Making and Digital Poster Making Competition
 
Mayroon ding karagdagang outpatient benefits para sa mental health kung saan ay isinagawa ng PhilHealth Region III ang ceremonial signing with Mariveles Mental Wellness and General Hospital bilang kauna-unahang accredited outpatient mental health benefits provider sa Gitnang Luzon.
 
Sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) sa Region 3 ay sinimulan na ang pagsumite ng entries ng mga estudyante sa Grade 8 na lalahok sa Reel-Making contest hanggang sa March 31, 2024 habang ang Digital Poster Making Contest na bukas para sa mga college students ay maaaring mag-submit hanggang March 15, 2024.
 
Kikilalanin ng nasabing ahensiya ang top 17 finalists gayundin ang mga mananalo sa susunod ng selebrasyon ng PhilHealth’s 30th Anniversary sa 2025.
 
Ayon kay Granali, as of December 2023, nasa kabuuang 12.62 million Filipinos na ang PhilHealth Registered (98% ng 12.89 million population). 
 
“With the immediate eligibility “agarang paggamit ng benepisyo”, every Filipino can easily register to PhilHealth or update their record to any accredited health care provider upon confinement/admission to be able to use their benefits,” ani Granali.

Nabatid pa na ngayong taong 2024, maraming PhilHealth Konsulta Caravan regionwide ang isasagawa sa pakikipagtulungan ng mga ahensiya ng LGUs, DOH, DSWD, Health Care Providers, Barangay Health Workers, at iba pang partner agencies.