LUMABAS na “illegal” ang isinagawang resolusyon sa pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal na siyang ikinasama ng loob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga nangyari sa loob ng Sugar Regulatory Administration.
Tila nais umanong i-mislead si Pangulong Marcos hinggil sa naturang isyu ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles..
Nabatid na nananatiling objective at patas ang Presidente kaya hinahayaan niyang gumulong ang imbestigasyon sa naturang usapin nang hindi ito nakikialam kung saan patuloy na binabalanse ni Pangulong Marcos ang lahat dahil sa ibang pang mga bagay na dapat ding tutukan.
Una nang inanunsyo ni Cruz-Angeles ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Malakanyang sa lumabas na resolusyon para makapag-angkat ng libo-libong metriko tonelada ng asukal gayung wala pala itong basbas mula kay Pangulong Marcos.