Mapapanood nang muli sa darating na December 8 ang 2021 Governor’s Cup ng Philippine Basketball Association (PBA) na gaganapin sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ayon sa PBA, ang second conference ay makakapaglaro at mapapanood ang mga featured imports na mayroong height limit na 6-foot-6.Ang mga pambatong import ng bawat koponan ay unang mapapanood sa pinakasikat na liga sa bansa mula nang mag-pandemic pero wala umanong papayagang mga fans para sa live viewing.
“The league is now speaking with officials of different LGUs about allowing spectators in their arenas'” ayon kay PBA commissioner Willie Marcial.
Sabi ni Marcial, kakausapin nila ang Pasay City officials ngayong Miyerkules, Dec. 1 para sa mga gaganaping mga laro sa Mall of Asia Arena ngayong kumprehensiya.
Nakatakda sanang buksan ang liga ngayong Linggo pero dahil sa late entry ng mga imports at kailangan pang isailalim sa quarantine ay napilitan ang PBA na i-push back ang opening ng mga laro.Dahil sa unti-unting pagluluwag ng restriksyon ng quarantine sa Metro Manila ay pinaplano ngayon ng PBA ang pag-allow ng limitadong fans na manonood na kailangang sumailalim sa strict health and safety protocols.