Isang pagkakataon ay nakadaumpalad ng Katropa ang isang mananampalataya, na nakakilala sa inyong lingkod, at bumulong na ipagdasal natin ang kalagayan ni Pastor Apollo Quiboloy, na malagpasan niya ang mga akusasyon laban sa kanya sa kasalukuyan.
Sa totoo lang ay sumagi sa aking isipan ang matunog na isyu na ipinaparatang kay Quibuloy. Batay sa sa ating nakalap na impormasyon, siya ay kinasuhan sa ibayong dagat, kasama ang dalawa pa ng pagsasabwatan sa operasyon ng Sex trafficking sa pagitan ng 2002 at 2018, pag-recruit ng mga batang babae na nasa pagitan ng 12 at 25 upang magtrabaho bilang pastor, at iba pa. Ang tanong natin tototo ba ito?
Kaya ang mga Alagad ng batas mula sa Estados Unidos, gayundin ang isang komite sa Senado sa Pilipinas, ay init-na init na makita ng personal ang nasabing Pastor upang sagutin ang mga bintang na ibinabato sa kanya.
Tsk! Tsk! Tsk! Dahil sa ganitong pagkakataon na tayo, na nagbibigay ng impormasyon at pagsusuri sa mahahalagang isyu na nakakaapekto sa lipunan. Nais nating ipabatid na ang Senado ay may kapangyarihang magsagawa ng mga pagsisiyasat at mag-isyu ng mga subpoena, ang mga kapangyarihang ito ay karaniwang ginagamit upang mangalap ng impormasyon para sa mga layuning pambatasan, hindi para sa pagpapatupad ng batas.
Kung ang Senado ay nakatuklas ng ebidensya ng kriminal na aktibidad sa panahon ng isang pagsisiyasat, karaniwan nitong ire-refer ang ebidensyang iyon sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas gaya ng Department of Justice at iba pa. Ang mga ahensyang ito ay tutukuyin kung may sapat na ebidensya para magsampa ng mga kaso at ituloy ang kaso sa korte.
Sa kaso sa ibang bansa, posibleng ma-extradite ang isang pinaghihinalaang kriminal, Ang extradition ay ang proseso kung saan isinusuko ng isang bansa ang isang taong akusado o nahatulan ng isang krimen sa ibang bansa para sa pag-uusig o parusa.
Ayon nga sa mananampalataya, ay idalangin natin ang kalagayan ni Pastor. Mas mainam na harapin ni Quibuloy ang Senado, ang Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality na pinamumunuan ni Senate Deputy Minority Leader Senator Risa Hontiveros, para malaman ang katotohanan. At kung may extradition na mangyayari ay napakahalaga na humingi ng payo sa isang kwalipikadong abogado na may karanasan sa batas ng extradition. Ang pakikipagtulungan sa isang bihasang abogado ay mahalaga upang matiyak na ang lahat ng magagamit na mga opsyon ay ginalugad, at may mabisang solusyon sa pagsuko ng isang pinaghihinalaang kriminal sa ibang dyurisdiksyon. Hanggang sa muli.