“Nais kong maikintal sa isip ng mga pulis na nasa ilalim ng aking pamamahala ang deisplina,” ito ang nasabi ni P/Lt. Col Gilmore Wasin, kasalukuyang Hepe ng bayang Pandi, ng siya ay makapananyam ng KATROPA, sa isang malaking okasyon na pinamahalaan ng Philippine National Police (PNP,) kamakailan.
Ayon kay Wasin.”my mission sa ‘station’ ay itong ‘program’ ng ating Chief of Philippine National Police (PNP,) para ma-‘inculcate’ ang ‘discipline’ sa mga pulis. Unang-una hindi natin maiaayos ang bayang pinagsisilbihan natin, kung tayo sa sarili natin ay hindi madidisiplina. ‘So and foremost’ kailangan ko ang tulong ng ating mga pastors, hinggil sa spiritual decipline and mentorship.
So, iyun unti-untiin natin yan, hanggang sa maikintal sa isip ng ating mga personnel. Kasi ‘you can not give what you don’t have,’ naman, magsasabi ka dyan sa mga tao ng desiplina, pero sa sarili mo ay hindi mo maiayos-ayos ang sarili mo, tamang bihis pa lang wala na. So, iyun ang unang ‘priority’ ko ‘upon assumption’ sa ‘office.’ Ang ‘decipline is within ourselves,’ sabi ko doon tayo magsimula ‘then I requested the help of the Ministry, to help and guide me.’
Si P/Lt. Col Wasin, ay sampung taon sa Special Action Force (SAP,) at itong huli bago sa bayang Pandi ay naging Station Commander sa Station 12 at 8, Quezon City Police District, NCR, 2022. Nalipat sa Region 3 nitong buwan ng Agosto, at nitong nakaraang Oktubre ay nagsilbing Puno ng Pandi PNP.
Tsk! Tsk! Tsk! “Tahimik ang Pandi, ang mga LGU ay ‘very supportive’ at ‘accommodating.’ Okey naman ‘compared’ sa mga ‘previous assignment.’ Iyan ang nasambit ni Wasin ng siya ay ating tanungin, kung ano ang masasabi niya sa makasaysayang bayan ng Pandi, na ngayon ay pinamamahalaan ni Mayor Rico Roque. Mabuhay ka P/Lt. Col Wasin!
***
May isang panukalang batas na nais ideklara ang Pag-asa Island ng West Philippine Sea bilang isang recreational fishing tourism site. Batay sa padalang ulat, si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, ay naghain ng panukalang batas na naglalayong ideklara at paunlarin ang 37.2-ektaryang Pag-asa Island, ang pinakamalaking lupain na inookupahan ng Pilipinas sa hilagang-silangan na bahagi ng pinagtatalunang Spratly archipelago, bilang isang recreational fishing tourism destination.
Sa ilalim ng House Bill No. 6228 ni Pimentel na inihain noong Lunes, ang Pag-asa, na tinatawag ng China na Zhongye Island, at patuloy na dinudumog ng mga sasakyang pandagat ng China, ay itatatag bilang isang Philippine leisure fishing tourism site. “Ang pinakalayunin ng ating panukalang batas ay ang paghandaan ang daan, para sa pag-unlad ng Pag-asa, kung isasaalang- alang na ang ibang bansa na umaangkin sa lahat o bahagi ng Spratly archipelago ay tumataas din ang kanilang presensya sa mga isla, reef at shoal na kanilang inookupahan doon,” ani Pimentel.
Tsk! Tsk! Tsk! Magandang panukala, sana maisipan din na sa isang isla na tulad ng inaangkin ng Tsina, ay magtayo din ang Pilipinas ng Bilanguan para sa mga Kriminal na hinatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo.