Isang makabuluhang hakbangin ang ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na bumisita sa Estados Unidos upang personal na makaharap si Pangulong Joseph Robinette Biden Jr, at matalakay ang usapin at alitan sa teritoryo sa West Philippine Sea, na lumaki mula noong naval standoff sa Scarborough Shoal noong Abril 2012, at pinalala ng mga isyu ng iligal na pananakop ng mga Tsino, labag sa batas na pagtatayo ng mga imprastraktura, at mga insidente ng karahasan na ang mga nabibiktima ay pawang mangingisdang Pilipino.
May ilan tayong mga nakakausap, na nagsabing hindi na kailangang papasukin pa ang mga sundalong amerikano sa bansa, sa dahilang maiipit ang Pilipinas sa away ng Tsina at Amerika, kapag ang tension sa Taiwan ay lalong uminit at magkaroon ng digmaan at sakupin ito ng mga pulahan. Naturalmente ang US ay tutulong sa mga Taiwanese at dahilan upang ang Pilipinas ay masasangkot, at isa sa mga pauulanan ng mga mapamuksang mga armas ng Tsina, dahil andito ang base militar ng Amerika.
Tsk! Tsk! Tsk! Una sa lahat hindi natin maisasantabi ang kalamangan at kahinaan ng mga opinyon, subalit dapat na maging makatotohanan tayo, na tayo na mismo ay tinatakot at sinusupil ng mga intsik na ito. Hindi dapat ipagwalang bahala ng mga Pilipino ang ginagawang pangangamkam sa ating mga pulo ng mga tsekwang ito. Kung ang desisyon ng kaso ng Pilipinas Laban sa China, na pinamahalaan ng Diplomat Arbitral Tribunal, ay binabaliwala ng mga mapanupil na Tsekwa, anupat kalaunan, kabuuan na ng Pilipinas ay mapapasakanila na lamang. Lalo at may tulong sa ilan nating lider na ganid, korap sa salapi at hayok sa kapangyarihan, kung mayroon man? Tiyak na hihimod at aayon sa mga naisin ng mga pulahang ito.
Ano ang desisyon ng arbitral ng Permanent Court of Arbitration Philippines at China? Ilang taon na ang nakalilipas, ang isang Arbitral Tribunal na binuo sa ilalim ng 1982 Law of the Sea Convention ay naghatid ng isang nagkakaisang desisyon, na pinal at may bisa sa Pilipinas at sa People’s Republic of China (PRC.) Sa desisyon nito, mariing tinanggihan ng Tribunal ang malawak na pag-aangkin ng South China Sea maritime ng PRC bilang walang batayan sa internasyonal na batas. Sino ang nanalo sa arbitration case sa Pilipinas? Nagdesisyon ang Hague-based UN-backed tribunal na pabor sa Pilipinas noong Hulyo 2016, na nagpawalang-bisa sa nine-dash line territorial claim ng China sa South China Sea, ngunit tinanggihan ng Beijing ang hatol.
Ngayon kung lalamyalamya ang Pilipinas at hindi magiging matatag, hindi paghuhusayin ang dapat na hakbang laban sa pananakot, hindi pasisiguro sa integridad ng teritoryo ng Pilipinas, gayundin sa pagtalikod sa karapatan sa soberanya, maging mabagal na gawing moderno at hindi mabilis na isagawa ang modernisasyon ng militar ng pilipinas na may espesyal na diin sa mga banta sa maritime at seguridad, kapag ang mga iyan ay binaliwala, tiyak na sa kangkungan tayo pupulutin.
Hanggat may banta ng panganib kailangan natin ang presensiya ng mga Sundalong Amerikano sa bansa, na handang makiisa sa Pilipinas laban sa mga naghahariang uri. Hanggang sa muli.