Pampanga truckers pinuri ng NLEX sa pagtugon sa anti-overloading law

ITINUTURO ni Pampanga Governor Dennis Pineda ang hauling pass sticker na inisyu ng provincial government sa mga trucks na nag-comply sa anti-overloading provisions of RA 8794 at 33-ton vehicle weight limit sa kahabaan ng Candaba Viaduct. Kasama ng gobernador ang mga representante mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office 3, Land Transportation Office (LTO) at North Luzon Expressway (NLEX) Corp.. CONTRIBUTED PHOTO
ANG mga Pampanga quarry operators ay agad na nakapg-comply sa tamang vehicle weight na nakasaad sa anti-overloading law kaya naman umani ito ng papuri mula sa NLEX Corporation.
 
Bukod sa inisyatibong ito ng mga Pampanga truckers ay pinasalamatan din ng NLEX  si Governor Dennis Pineda sa pakikipagtulungan nito na maisaayos ang pagpapatupad ng batas na nakapaloob sa anti-overloading provisions of the Republic Act No. 8794.
 
Matapos ang pakikipag-dayalogo nitong nakaraang Biyernes, si Pineda at ibang mga representante mula sa ahensiya ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Land Transportation Office (LTO), at NLEX Corporation ay napagkasunduan na simula Agosto 19, 2022 ay ipatutupad na ang mga sumusunod na tagubilin kabilang na ang: sand-carrying 10-wheeler trucks ay ‘cut sidings’ na ang mga ito, RA 8794 and 33-ton weight limit compliant, at dapat mayroon hauling passes na inisyu mula sa Pampanga provincial government ang siya lamang papayagan na makapasok sa NLEX.
 
“Nagsimula na po ulit ang quarry operations, pero limited lang po ang mga trak na pwedeng kargahan. ‘Yon lang mga may hauling pass stickers ang pwedeng bumiyahe,” pahayag ni Governor Pineda, kungbsaan nilinaw pa nito na “we need to respect ‘yong tamang timbang…even if kumikita ang province, marami namang nasasayang na pera yearly kahit sa national dahil sa mga nasisirang daan.”
 
Ang mga nasabing uri ng trucks ay titimbangin bago pumasok sa expressway habang magpapatuloy ang NLEX sa pakikipag-ugnayan sa mga trucking companies at organisasyon para ma-address ang kanilang mga concerns. 
 
“We are grateful for Governor Pineda and our trucking stakeholders in Pampanga for starting this initiative for other LGUs to follow,” ayonnkay NLEX Corporation President and General Manager J. Luigi L. Bautista.
 
Dahil sa ang public safety ang kanilang top priority, ang nasabing tollway company ay patuloy na ipapatupad ang 33-ton weight limit sa Candaba Viaduct at ang anti-overloading law sa buong NLEX-SCTEX, bilang pinagtibay ng DPWH at Department of Transportation (DOTr). 
 
“As agreed with government agencies, NLEX previously announced that 12-wheeler trucks and up, trailers, and other heavy equipment weighing 33 tons and above are not allowed to pass through the Candaba Viaduct to preserve the long-term viability of the structure, and allow the repair of the observed damage to its deck and girders,” Bautista said.