Mga usaping pampamilya tulad ng pantay-pantay na manahan at surrogacy law ang isusulong ng Pamilya Ko Partylist kung mabibigyan ng pagkakataong manungkulan sa kongreso.
Bukod pa rito ang mga biktima ng domestic abuse and violence sa loob ng isang pamilya ang tutukan din Atty. Anel Diaz, 1st nominee ng Pamilyo Ko Partylist matapos ang isinagawang Caravan sa Pandi, Bulacan para sa kanilang campaign rally para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections.

Ang law student na si Miguel Kallos naman ang 2nd nominee ng partylist.
Ayon kay Diaz, ang Pamilya Ko Partylist ay siyang may true platform at hindi recycled kung saan kasama sa kanilang isusulong ang pantay-pantay na karapatan ng mga legitimate at illegitimated children.
Aniya, para sa isusulong na equal rights ay aalisin nila ang distinction of legitimate and illegitimate children at gagawin itong marital at non-marital children.
Kasunod ay ang pagsusulong ng Domestic Partnership Law para naman sa mga live-in couples at LGBT couples.
“Specifically ang ibibigay sa kanila ng Demestic Partnership Law ay right to inherit from one another. We are not talking just of inheritance right, this is right to manage asset and properties and most especially is right to give important medical decisions in emergency situation in advance directives,” wika ni Diaz.
Ang Pamilya Ko Partylist ay isusulong din ang Surrogacy Law na ayon kay Diaz ay out of 156 running partylist ay sila pa lamang ang unang magpapasa ng ganitong batas sa bansa.
“There are Filipinos without children nagpupunta sa abroad para sa artificial insemination using surrogate mother. May puwang sa batas natin, hindi siya allowed pero hindi naman siya ilegal. Paano ba yang mga surrogates arrangements na yan? Nagiging avenue pa siya sa exploitation of some women,” ani Diaz.
“One way of protecting our women would be to put in place a legal framework to set the condition when is it allowed, how can it be done and what are the parameters that we should follow if we will adopt surrogacy as a form of parenthood,” dagdag nito.
Ang Pamilyo Ko Partylist ay tututok sa kanilang adbokasiya para sa non-traditional modern Filipino families arrangement na tinatawag nilang “LOVABLES” na ang ibig sabihin ay L-Livie-in, O- OFW families; V-Victims of domestic abuse; A-Adopted; B- Blended families; L-LGBTQ Families; E- Extended families at S-Solo and single families.
Sinabi ni Diaz na nagsimula ang Pamilya Ko Partylist bilang isang Foundation na isa siya sa mga founder na itinatag noong 2022.
Nagsagawa na rin sila ng mga legal aid clinic na umiikot sa mga ibat-ibang lugar kung saan nagbibigay sila ng mga libreng legal consultations partikular na sa mga usaping pampamilya.
Nabatid na ang bawat kasapi at supporters ng Pamilya ko Partylist ay nagmula rin sa mga kinaaanibang sektor ng LOVABLES.