PAHAYAG NG ISANG ‘TOP NOTCH ANIMATION STORY BOARD ARTIST’

Natatandaan po ba ninyo ang Komiks Illustrator na si Boy Baarde, ang batikang dibuhista ng komiks at Pahayagang Tempo noong huling panahon ng dekada ‘80. Siya ang gumuhit ng Luna Alegra na kinatha ni Zoila at isa pang nobela na isinulat ni Roy Alvarez na lumalabas noon, araw-araw sa Tempo Newspaper.

 

Sa muli naming pagkikita ni Boy Baarde, 40 taon na sa larangan ng pagguhit, at isang Pilipino artist na naging ‘top notch Animation story board at layout artist’ sa bansang Canada, ay nabigyan niya ng kasagutan ang ilang negatibong reaksyon at pananaw ng ilang kabataan patungkol sa Sining sa Pagguhit.

PAHAYAG NG ISANG ‘TOP NOTCH ANIMATION STORY BOARD ARTIST’ Boy Baarde
G. Boy Baarde, isang Pilipino top notch Animation Story board Artist, sa Canada.

Ang ilan ay nauunsiyami o nawawalan ng pagasa sa pagiging pintor o may kinalaman sa sining na nabanggit, dahil ika nila ay suntok sa buwan ang kita,

 

Nakunan natin ng reaksyon ang ilang kabataan na nagsabing, “ayoko ng kurso o trabahong ganyan, kasi sabi ng lolo ko walang pera dyan.” Ang iba naman ay nagsabing, “ hahanga ka lang sa mga gawa nila, pero, mahina ang kita kumpara, kung maging isa kang Inhinyero o kumuha ka ng kursong negosyo.”

 

Narito ang pahayag ni Baarde, “noong kabataan ko, ayaw ng aking nanay na maging Artist ako, sabi niya hindi ako kikita diyan at walang yumaman na isang pintor o artist.”

 

Subalit siya ay nakahugot ng lakats ng loob na ipagpatuloy ang kanyang hilig, sapagkat naging gabay nito ang hilig ng kanyang Ama na isa ring musician at Artist.

 

“Ipinagpatuloy ko ito, hanggang sa may mga nakilala akong mga Dibuhista sa Komiks na sina Jose Marie Mongcal at Karl Komendador, na silang tumulong sa akin, at maraming pang iba. Ang pagiging dibuhista ko, ang siyang naging ‘stepping stone’ ko para matanggap sa isang Animation sa Pilipinas at sa ‘abroad.

 

Ipagpatuloy lang, dahil maraming ‘way’ para makamit ang minimithi. Tuloy-tuloy lang ang pagsasanay, dahil sa pagsasanay ay magiging mahusay ka. Maraming makakapansin sa iyo, ang determinasyon ay kailangang maging matibay. Hindi ka man maging milyonaryo, magiging maayos naman ang iyong pamumuhay. Kung maaari ay pakinggan ang mga payo ng mga taong nakapaligid, na nagbibigay ng progresibong gabay para sa inyong pagpupunyagi, hindi ko pinakikinggan ang nagsasabing hindi ako kikita diyan. Basta huwag bitawan ang inyong pangarap,” patapos ni Baarde.

 

Masasabi natin na ang buhay ngayon ni Baarde ay nasa mabuting kalagayan, well-off o well-to-do na rin sa buhay.

 

Tsk! Tsk! Tsk! Hayan basta tuloy-tuloy lang sa pangarap at huwag bibitawan ito. Ang malaking kita na nais mo ay mapapasaiyo, basta sundin ang tamang landas na tinatahak tungo sa iyong minimithi at ang tagumpay ay naghihintay lamang. Kumusta kay Mareng Annalyn at Marygrace Baarde. Hanggang sa muli.