May napabalittang ilang magaaral hindi lamang sa Pilipinas, ay nagpapatiwakal dahil sa kahinaan sa klase, bagsak sa pagsusulit at iba pang mga kadahilanan. Dahil dito ay nagbigay ng mga opinyon ang ating mga mambabasa.
Ayon kay Phoebes o Febe ng Quezon City: “May solution naman dyan, hindi mo kailangan magpatiwakal. Ang kailangan gawin ng teacher ay bigyan ng mga projects. O kaya kumuha ulit ng special na exam, at kung pumasa doon sa exam, ay magiging okey na ang grado ng magaaral kahit pasang-awa ibibigay iyan ng teacher. Kasi nag-effort na, ipinakita ang kakayahan ng istudyante sa subject na iyon.”
At mula naman sa Academe na si Mel, ay narito ang kanyang napansin at pananaw, kung paano maaapula ang ganitong mga probemang kinakaharap ng ilang magaaral na nawawalan ng tiwala sa kanilang kakayahan. “Ang mga kabataan ngayon ay masyadong mahihina, pagdating sa mga problemang kanilang nakahaharap. Lalo na after the pandemic na kung saan tayo bilang mga magulang o mga guro sa paaralan ay dapat maging maunawain sa kanila.
Kaya ang mga Gurong tagapayo ay may mga programa kung saan ipinamumulat sa kanila na ang mental health ay mahalaga. At dapat ito ay binibigyang pansin dahil ito ay nakaka-apekto kung paano tayo mag isip. Ang transisyon na naranasan nila mula sa online at face-to-face learning, ay malaking bahagi upang magkaroon ng pagkalito sa kanila. Una na dito ay ang pagkawala ng focus sa mga aralin, paninibago sa pagsusulat at pakikisalamuha sa kapwa, kung kaya may mga seminars na binibigay sa mga magaaral upang magkaroon sila ng kaalaman na ang mental health ay mahalaga.
May mga sitwasyon, na hindi inaasahan na may mga mag aaral na nahihirapan sa mga asignatura, subalit dapat hindi nila maiisp ang pagkitil ng kanilang buhay, dahil ito ay iisa lamang na pagkakataong binigay sa atin ng ating poong maykapal.
Ang problema ay nabibigyan ng solusyon, maging ito ay kumplikado man o hindi. Maraming paraan upang maipasa ang grado o mga pagsusulit na binibigay ng mga guro, at kung hindi man makakuha ng sapat na marka maraming options na dapat gawin. Isa na dito ang espesyal na pagsusulit, paggawa ng mga proyekto upang madagdagan ang grado, or iba’t ibang interventions na pwede ibigay ng guro tulad ng mga summer classes na isinasagawa ng ibang paaralan. At kung talagang hindi pa rin makapasa, hindi ito ang dapat na dahilan upang tapusin ang buhay.
Laging may bukas na magbibigay ng pag-asa at solusyon sa bawat problema, at kapag ito ay nalagpasan na, nagiging matatag ang isang tao sa lahat ng mga pagsubok sa buhay maging ito man ay sa larangan ng edukasyon o sa pamilya o emosyon.” Maraming salamat kila Febe at Mel ng Friends Forever. Counselling Department, Claremont School.
Tsk! Tsk! Tsk! Upang mapangalagaan ang isang nagpapakamatay na bata, mahalagang tiyakin muna ang kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng pag-alis ng anumang agarang paraan ng pinsala, at agad na humingi ng propesyonal na tulong. Makisali sa bukas at suportadong mga pag-uusap sa bata, aktibong pakikinig sa kanilang mga damdamin nang walang paghuhusga, at pagpapatunay ng kanilang mga damdamin.
Hikayatin ang bata na humingi ng tulong mula sa isang propesyonal sa kalusugang pangkaisipan o tagapayo, at magbigay ng walang pasubaling pagmamahal at suporta sa buong paglalakbay nila patungo sa pagpapagaling. Hanggang sa muli!