Pagoda sa Bocaue muling naglayag

Nasaksihang muli ng mga debotong Bocaueños ang paglalayag ng “Mahal Na Poon ng Krus Sa Wawa” sakay ng Pagoda sa pagdiriwang ng Kapistahan sa bayan ng Bocaue nitong Linggo. Larawan ni: ELOISA SILVERIO
MULING nasilayan ng mga Bocaueños ang paglalayag ng Pagoda sa Bocaue sa ginanap na  fluvial parade nito sa pagdiriwang ng kapistahan ng  “Mahal Na Poon Ng Krus Sa Wawa” nitong Linggo, Hulyo 3, 2022.
 
Ayon kay Bocaue Tourism head Rennan Eusebio, libu-libong mga deboto na pawang mga Bocaueño ang muling nagtipon sa Bocaue Bridge at ang iba ay lumahok sa “Ligiran” upang saksihan ang paglalayag ng Pagoda sa Bocaue River.
 
Sa Pagoda ay yari sa light metal barge, buho ng kawayan at sako kung saan dito nakasakay ang relic na “Krus Sa Wawa” na pinaniniwalaang miraculous cross.
 
 
Dumalo at nakilahok sina Bocaue Mayor Jonjon Villanueva at Vice Mayor Sherwin Tugna kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan sa isinagawang “Ligiran sa Ilog Bocaue” sakay ng tatlong motor-banca para sa mga local government units (LGU’)s, Hermandad (Hermano Mayors), members of Sangguniang Kabataan mula sa 19 barangays, mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer (LGBTQ) and some 120 na bangka na lumahok sa nasabing aktibidad.
 
Kabilang din sa weeklong celebration ay ang 9-day lutrina para sa mga “Martyrs of Pagoda 1993” kung saan piling mga deboto ang kasama sa paglalayag o prusisyon  sa Bocaue River partikular na sa lugar kung saan mismo lumubog ang Pagoda na ikinamatay ng mahigit 260 katao.
 
Ang iba pang highlighted festive activities ay “Gabi ng Parangal, Pasasalamat at Musika” at boat racing competition na ginanap nitong nakaraang Biyernes at Sabado.
 
Kasama nina Vice Gov. Alex Castro, Congressman Boy Cruz, Bocaue Mayor Eduardo “JJV” Villanueva, Vice Mayor Sherwin Tugna, Bokal Teta Mendoza ang mga tumayong Hermandad at mga kaparian sa pangunguna nina Bishop Dennis Villarojo ng Malolos Diocese at Rev. Fr. Mario Jose Ladra, Kura Paroko ng Saint Martin of Tours Parish Church. Kuha ni: ERICK SILVERIO
 
Samantala, Linggo ng umaga ay pinangunahan naman ni Bishop Dennis Villarojo ng Malolos Diocese ang Concelebration Mass kasma si Rev. Fr. Mar Ladra,  parish priest ng Saint Martin of Tours sa Bocaue na dinaluhan ng mga local officials sa pangunguna ni Mayor Villanueva, Vice Mayor Tugna, Vice Gov. Alex Castro, Fifth District representative Cong. Ambrosio Cruz, at Board Member Teta Mendoza.
 
Kabilang din sa aktibidad ang street dancing na nagtapos sa Bocaue bridge.
 
Nagkaroon naman ng fireworks display sa gabi na siyang pagtatapos sa naturang festival Linggo ng gabi. 
 
Bocaue Festival Street Dancing
 
“Hindi po magarbo ang Pagoda ngayon dahil wala po masyadong naging paghahanda sa parte ng LGU dahil nasa ilalim po ng transition process ang bagong administrasyon,” ayon kay municipal tourism head Eusebio.
 
Prayoridad din ang kaligtasan ng bawat isa dahil nakahanda ang mga kinauukulan sa pagpapaalala gaya ng strict implementation ng pagsuot ng lifevests, limitasyon sa pagoda guests, mga nakabantay na coast guard,  police,  military, rescuers, concerned agencies para maging maagap at alerto habang isinasagawa ang ‘Ligiran’ para matiyak na walang ano mang insidente ang maganap.
 
Taong 1993 nang lumubog ang Pagoda na naglalaman ng mahigit 300 pasahero nito na dahilan ng paglubog ng Pagoda na ikinamatay ng mahigit 260 katao.
 
Ipinatigil ng LGU ang tradisyonal na Pagoda fluvial parade pero ibinalik taong 2014 subalit muling nahinto taong 2020 dahil naman sa  Covid-19 pandemic.
 
Ayon kay Edgie Espiritu, 65, tubong Barangay Biñang 1st, Bocaue, ibang-iba na ang selebrasyon ngayon kumpara sa noong fluvial parade.
 
“Noon napakatataas ng Pagoda halos lagpas ng puno ng niyog at talagang hindi mahulugan ng karayom ang mga sumasama sa ‘Ligiran’,” wika naman ni former Kagawad George German.
 
Ang mahiwagang Krus sa Wawa ay natagpuan noong 1850 sa tinatangay ng agos mula sa tubig baha dulot ng bagyo at mula noon ay sinimulan na ang fluvial parade.