Nagpahayag ng buong suporta ang ibat -ibang religious group kabilang ang katoliko, born again at Islamic religion para sa mga kandidato ng National Unity Party (NUP) sa bayan ng Santa Maria, Bulacan matapos ang isinagawang “Gabi Ng Pagbabago” kung saan isang makabuluhang paglalagda ng manifesto ng kanilang mga plataporma ang inilahad na ginanap sa Rosmen Pavilion sa Barangay Parada Sabado ng gabi.
Ang pledge of support ay idineklara sa ginanap na “Symbolic Signing of the Covenant of Transparency” ng mga NUP bet, ang Team Reymalyn-Obet sa Santa Maria sa pangunguna ng mayoralty bet Renato “Reymalyn” Castro at Vice Mayoral aspirant Obet Perez.
Kasabay ng symbolic signing ay inilahad ni Castro sa kaniyang manifesto ang mga plataporma ng kaniyang grupo at una na rito ay ang ibalik ang spiritual activities upang mas maging malalim ang pagkilala at pagsunod ng mamamayan ng Santa Maria sa Panginoon.
Naniniwala si Castro at ang buong team nito na ang pagiging God-fearing ay susi sa maayos matapat na paglilingkod bilang serbisyo publiko.
“Kung ikaw ay maka-Diyos at may takot sa kaniya sa paggawa ng hindi mabuti, iyan ang gagamitin naming sandata para labanan ang korapsyun at upang mabigyan ng proteksyon ang kaban ng bayan,” wika ni Castro.
Nais din ng Team Reymalyn-Obet na palakasin ang entrepreneurship at competitiveness ng lokal na pamahalaan upang makasabay sa ibang mga munisipyo bilang first class municipality.
Agresibong kampanya pangkalusugan gayundin sa peace and order situation at pagpapalakas ng urban gardening at farming sa mga barangay.
Kasama sa Team Reymal;yn-Obet anganim na mga pambato para sa konseho na sina Froilan Caguiat, Jasyon Latube, Christian Catahumber, Hector Hilario, VJ Salazar at Sonia Cristobal.