ALFONSO, CAVITE – Naipamalas ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa ng komunidad nang
lumagda ang internasyonal na organisasyong pangkapayapaan na Heavenly Culture, World
Peace, Restoration of Light (HWPL) at ang Department of Education Schools Division Office of
Cavite (SDO Cavite Province) ng isang Memorandum of Agreement (MOA) sa Brigada Eskwela
Division Kick-off noong Agosto 12, 2023.
Layon ng partnership na magtatag ng isang balangkas ng kooperasyon sa pagitan ng mga
partido upang isulong ang pagtigil ng digmaan at ang pagpapalaganap ng kultura ng
kapayapaan sa pamamagitan ng pagtuturo ng peace education sa kurikulum at pagsasagawa
ng iba't ibang aktibidad sa mga paaralan.
Ang HWPL ay isang internasyonal na non-government organization na mayroong Special
Consultative Status sa UN Economic and Social Council (ECOSOC) at nauugnay sa UN
Department of Global Communications (DGC). Ang kanilang dedikasyon sa pagkamit ng
pandaigdigang kapayapaan at makataong pagsisikap ay umani ng internasyonal at lokal na
pagkilala. Kabilang dito ang isa sa kanilang pangunahing inisyatiba, ang pagtuturo ng
edukasyong pangkapayapaan o peace education mula sa mababa hanggang sa mas mataas na
edukasyonsa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Commission on Higher Education (CHED)
at Department of Education (DepEd).
Ang DepEd SDO Cavite Province ay isa sa pinakamalalaking dibisyon sa Rehiyon IV-A
CALABARZON, na nangangasiwa sa 39 senior high schools, 63 junior high schools, at 262
mababang paaralan na may mahigit 163,020 na mag-aaral.