PAG-ANALISA SA SENYALES SA PAGLOBO NG COVID-19, GINAWA NG CESU, QCITY.

BALITANG napakahalaga laban sa mapamuksang salot na COVID-19 at sa iba pang mga ‘variants’ nito. Ito ay pagiging pro-active ng Quezon City government na lumikha ng early warning system na maaaring makakita at mag-analyze ng mga “signals” ng posibleng paglobo ng nasabing salot, sinabi ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU,)  kamakailan. 

Batay sa ulat ito ay dinisenyo ng CESU, ang pamamaraan ng babala ay ang sistematikong pagsubaybay sa mga bagong kaso, pagsusuri ng mga uso o napapanahon at rekomendasyon ng mga madiskarteng hakbang upang maiwasan ang panibagong pagsiklab. 

Tsk! Tsk! Tsk! Kailangang kailangan ito dahil itong salot na Corona virus ay tila nandiyan lamang sa tabi-tabi. Sana ganitong mga pamamaraan ay mangyari rin sa lahat ng lugar sa ating bansa. Sabi nga sa ni Mayor Maria Josefina “Joy” Belmonte, “ito ay binuo sa pagtatangkang maiwasan ang pagtaas ng mga impeksyon.” Mabuhay ang CESU, Mayor Belmonte at ang mga taga-Lungsod Quezon!

***

PANIBAGONG PARANGAL SA LALAWIGAN NG BULACAN  
Mula sa pinagmulan ng balita, ang Lalawigan ng Bulacan na pinamamahalaan ni Gobernador Daniel R. Fernando, ay napatunayang kampeon ng ‘Early Childhood Care and Development’ nang makuha nito ang Gawad Edukampyon, para sa ECCD-Province Category sa ginanap na Gawad Edukampyon for Local Governance Awarding Ceremony sa Novotel Manila, Araneta City sa Quezon City, kamakailan. 
Tsk! Tsk! Tsk! Talaga namang napakagaling ng nasabing lalawigan. Ang ‘award’ ay ibinibigay sa mga Local Government Units na nagpakita ng pagtalima sa paghahatid ng programa ng ECCD Council, at iba pang pamantayan, mga makabago at epektibong pandagdag na programa sa maagang pagpapasigla at pagtataguyod ng wastong kalusugan at nutrisyon.

***
PANTAY NA PAGMAMAHAL AT PAGTANGGAP SA MGA LGBTQIA, SUPORTADO NI ROBES

Narito naman ang mensahe ni Mayor Arthur Robes, LSJDM, para sa mga Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual (LGBTQIA.) “Happy Pride Month, San Joseños! Nakikiisa po ang inyong Punong Lungsod sa selebrasyon ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo para sa ating mga LGBTQIA. Ang selebrasyong ito po ay taunang isinasagawa hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Ako po ay buong pusong sumusuporta sa inyong mga adhikain na magkaroon ng pantay na pagmamahal at pagtanggap ang lahat sa inyong piniling kasarian. Mabuhay po kayo! Arya San Joseño!”

Tsk! Tsk! Tsk! Mataas ang respeto natin sa mga LGBTQIA, karamihan sa kanila ay marunong sa buhay, masisipag, magiliw o masiyahin at lagiang nangingibabaw sa karunungan. Sa aking pagkakaalam, sa panahon ngayon karamihan sa mga naturang kasarian, ang ilan sa mga kabataang LGBTQIA, ay silang humahawak ng masisilan na posisyon sa ating pamahalaan. Mabuhay po kayo!

Maligayang bati kay G. Felimon Roque, sa muling pagkakahalal sa kanya bilang Pangulo ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (FSCAP,) Pandi Chapter.Sa taong 2022-2025. Makikita sa larawan (L-r) Katropang Vic Billones 111 at G. Felimon Roque.( Kuha ni Letty Billones)