PABATID SA PUBLIKO: ANTI-RABIES VACCINATION SA ALAGANG ASO AT PUSA SA ANGELES CITY

Sa mga nakalipas na mga buwan tumaas ang demand ng anti-rabies vaccines para sa mga nakagat ng aso at pusa.

Kaya naman patuloy ang aking pagpapaalala sa mga Angeleño pet owners na protektahan ang kanilang sarili at ang kanilang mga pets.

Nanawagan po ako bilang inyong Mayor sa lahat ng mga pet owners na pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop sa gagawing Bakuna sa Barangay para sa mga alagang aso at pusa.

Inatasan ko ang ating City Veterinary Office, sa pangunguna ni Dr. Christian Xyric Arcilla, na bumaba sa mga barangay para bakunahan ng libre ang mga alagang aso at pusa simula Agosto 7, 2024.

Maglalabas ng schedule ang Angeles City Information Office para sa libreng bakuna sa barangay.

Nakikiusap din ako sa mga nanunungkulan sa barangay sa pangunguna ng ating mga kapitan na hikayatin lahat ng mga pet owners na pabakunahan ang kanilang mga alagang pusa at aso.