P700M shabu nasakote sa 2 bigtime tulak sa Bulacan

Tinatayang nasa mahigit P700 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group at Special Operation Unit kung saan dalawa katao kabilang ang isang isang Chinese National sa subdibisyon sa  Brgy, Bulihan Plaridel Bulacan Sabado ng gabi, June 28.
 
Sa inisyal na report na tinanggap ni Acting PNP Provincial Director PCol.Angel Garcillano, kinilala ang mga arestadong suspek na sina Chen Liang Teng, 55, residente sa naturang barangay at isang alyas “Ryan”, 40 anyos ng Pasig City.
 
Base sa imbestigasyon, nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang higit 100 kilo ng hinihinalang Shabu na nagkakahalaga ng P700 milyong Piso, bukod pa dito ang di pa matukoy na hinihinalang cocaine.
 
Bandang alas-7:30 ng gabi nitong  Hunyo 28 ng masukol ang dalawa sa loob ng kanilang bahay,makaraang magpanggap na poseur buyer ang isa sa mga tauhan ng PNP DEG.
 
Ayon sa pulisya, posibleng ang mga nakumpiska na illegal na droga ay konektado sa mga shabu na lumutang sa karagatang sakop ng Zambales at Ilocos  Region.