Namangha na naman ang inyong lingkod sa matinding kahusayan at katapatan sa paglilingkod ni District Collector Marites “Meeks” Martin ng Port of Subic (PoC), collection district ng Bureau of Customs (BOC).
Bakit, ‘ika ninyo? Kasi, sa unang sultada palang ng taon—ang January 2022, nakasungkit na kaagad si Coll. Matin ng buwanan lagpas sa target na koleksyong buwis.
Ibang klase talaga! Sa datos, naitala ng tropa nina Coll. Martin (assessment group) ang actual tax collection na aabot sa P3,353,976, 847.25 na mas mataas ang halaga kumpara sa target na P3,250,000,850.
Sa suma-total, nagkaroon pa ang kampo ni Coll. Martin ng P123,126,847.25 revenue collection surplus or equivalent 3.81% positive deviation.
Ang galing, ‘di ba? Kahanga-hanga! Kapuri-puri! Kasi, hindi simpleng gawin ang makalikom ng mataas na halagang buwis lalo’t nasa gitna pa rin tayo ng Pandemya.
Naging malaking hadlang sa mga negosyo ng mayorya ng waterfront stakeholders ang pandemic dahilan para pansamantalang tumigil sa kanilang mga hanapbuhay.
Alam naman natin naka-depende lang ang Customs sa masiglang import at export business ng bansa upang makakolekta ng sapat na buwis.
Pero sa kasalukuyang sitwasyon na matamlay ang importasyon bunga ng kinakaharap na pandaigdigang krisis sa ekonomiya, nagawa pa rin ng grupo ni Coll. Martin na makapagtala ng over-target tax collection sa naturang buwan ng taon. Sa totoo lang, malaking bentahe ang kakaibang talino’t galing ni Coll. Martin—ang maayos at masiglang pamumuno’t pamamahala ng kanyang pantalan, partikular na kapansin-pansin ang seryosong hangarin para sa patuloy na pagbibigay ng proteksyon sa interes ng ating gobyerno.
Hindi naman maililihim na pangalawa ang Customs (una ang BIR) sa revenue generating agencies ng pamahalan.
Bagay na kailangan talaga ang mataas na koleksyong buwis para pantustos o magamit na pondo sa mga pangunahing programa at proyekto ng gobyerno. S
ubalit nauna rito, nadale rin ng tropa ni Coll. Martin ang kanilang minimithing taunang lagpas sa target na koleksyong buwis para sa nakaraang 2021.
Base sa datos, naitala nang kanilang kampo ni Coll. Martin ang nakakalulang P38,113,668,027.91 actual annual revenue collection (January-December) ng naturang taon. Higit na mataas ang nasabing halaga sa target na buwis na aabot sa P37,647,910,000.00.
Kaya naman, nakalikom pa ng P465,758,027.91 tax collection surplus ang POS. Hindi maituturing maliit ang daan-daang milyong halagang ito na sobra sa kanilang target na buwis.
At alam ba ninyo, dear readers na consistent over-target ang annual tax collection ni Coll. Martin, kung hindi ako nagkakamali ay simula nang pamunuan nito ang kanyang puerto noong 2017? Epektibo rin ang agresibong kampanya kontra ismagling ni Coll. Martin.
Sa pinakahuling ulat, daan-daang milyong halaga na ng kontrabando ang nasabat at tuluyang kinumpiska, partikular agricultural products at fake cigarettes sa serye nang kanilang tagumpay na operasyon mula January hanggang December, 2021.
At dahil sa makabuluhang accomplishments na ito, patuloy na umaani ng mga papuri at awards si Coll. Martin.
Tunay na nakaka-wow ang kanyang tapat at mahusay na pagsisilbi sa ahensya! Congrats sa POS, lalo na kay Coll. Meeks Martin na kamangha-mangha ang pagganap sa tungkulin! Keep up the good work and more power, Bossing Marekoy! Mabuhay kayong lahat, Team POS! Salute!