P300M inilaan sa replacement ng Marcos Bridge sa Meycauayan City

Inanunsiyo ni Department of Public Works and Highways 2nd District Engineer George DC Santos (inset) ang isasagawang replacement sa lumang Marcos Bridge, kilala rin bilang  Tawiran Bridge sa Lungsod ng Meycauayan na paglalaanan ng halagang P300 million budget. CONTRIBUTED PHOTO
 
MAGLALAAN ng P300 milyon ang tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa konstruksyon o total replacement ng Marcos Bridge, na kilala rin bilang Tawiran Bridge, sa Meycauayan City.

 

Ito ay pamamahalaan ng Bulacan 2nd District Engineering Office ng DPWH na nakatakdang simulan ngayong unang quarter ng taon na kung saan  ang magiging straktura nito ay naaayon sa sa pinakabagong DPWH standard bridge seismic design specifications.

 

“Na-obserbahan po natin ang advanced deterioration ng structural elements nito. It is currently classified as poor in condition and its structural deficiencies need to be addressed immediately,” ayon kay Bulacan 2nd District Engineer George Santos sa isang social media post.

 

Nabatid na ang nasabing replacement ng tulay ay kumokonekta sa Meycauayan City at sa munisipalidad ng Obando ay gugugol ng P300 million at inaasahang makukumpleto sa early fourth quarter ng 2022.

 

Ito ay unang nakatanggap ng initial allocation na P100 million sa 2022 General Appropriations Act (GAA) and the additional funding needed to complete the project has also been included in the proposed 2023 budget.

 

Mayroon nang traffic management plan para hindi gaano maaapektuhan ng inaasahang mabigat na trapiko ang mga motorista sakaling simulan na ang kontruksyon.
 

 

Ayon pa kay Santos, ang mga heavy vehicles gaya ng mga truck at trailers ay padadaanin sa  MacArthur Highway dahil hindi na sila papayagan makadaan sa Marcos Bridge oras na ito ay simulan.