TULUYAN nang kinumpiska pagkatapos timbugin nang tropa ni BOC-CIIS (Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service) Intelligence Officer (IO2) Alvin Enciso ang aabot sa P30 milyong halagang “fake Paracetamol” medicines na naaktuhang nakaimbak sa 743 4B at 743 4C Highland St., Marcelo Green Village 27 Pearl St., Severino Subd., KM 18 Marcelo, Paranaque City, noong January 5, 2022.
Ayon sa ulat, matagal nang “under surveillance” ang nasabing lugar bago ang tagumpay na operasyon kontra ismagling na ikinasa ng kampo ni IO2 Enciso para proteksyunan ang interes ng publiko.
Ang pekeng mga gamot ay gaya ng Biogesic, Neozep, Bioflu, Immunpro, Ivermectin, Phenokinon F Injection, Medicol, Planax, Alaxan FR, MX3, maraming iba pa, at nadiskubreng nasa loob ng daan-daang kahong may mga tag ng Chinese character. Armado ng Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO) na pinalabas at may lagda ni BOC Comm. Rey Leonardo “Jagger” Guerrero, sorpresang sinalakay ng pinagsanib na grupo nina Enciso, chief CIIS-MICP; mga miyembro ng PDEA-IIS, NICA, ISAFP at PCG ang naturang lugar.
Kasunod nito ay inaresto ng grupo ang sinasabing nasa likod ng pekeng mga gamot na nakilalang si Mr. Adel Rajput, isang Pakistani National, 31 taong gulang at residente ng Caloocan City. Sa ulat pa, napatunayang peke ang kumpiskadong market-leading paracetamol brand na Biogesic at iba pa na kasamang mga gamot, base sa certification ng FDA (Food and Drug Administration) at Unilab Pharmaceuticals.
Pansamantalang inilagak ang illegal medicines sa Customs security warehouse para sa kaukulang pag-iingat at imbentaryo habang patuloy na isinagawa ang imbestigasyon.
Mabuti na lamang ay nadale ng tropa nina Alvin ang mga pekeng gamot upang mabilis rin maagapan na hindi makarating sa ating merkado.
Sinasamantala ng mga ‘tulisang iligalista’ ang mataas na demand ng mga gamot na ito dahil nasa panahon tayo ng flu season ngayon. Terible!
Tiyak may kasabwat na pinoy ang arestadong dayuhan na pinaniniwalaang kabilang sa responsable sa paggawa o baka matagal ng naikalat na kumpiskadong pekeng mga paracetamol.
Congratulations at mabuhay kayo, Guys! Especially kay IO2 Alvin Enciso! Keep up the good work and more power, Parekoy!