SA paggunita ng World Water Day ngayong Marso 22, nagpahayag ng pangamba si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa mataas na bilang ng pamilyang Pinoy na walang access sa ligtas at malinis na tubig.
Ginawa ni Villanueva ang pahayag matapos iulat ng National Water Resource Board (NWRB) na 11 milyong pamilya ang walang access sa malinis na tubig sa Pilipinas na bumubuo sa 41.6% ng 26,393,906 na kabuuhang bilang ng pamilyang Pilipino sa bansa.
“It’s such a sad reality that almost half of the total number of Filipino families do not have access to clean water due to lack of supply and sanitation,” sabi ni Villanueva.
Inihain ni Villanueva ang Senate Bill No. 1048 o Safe Drinking Water Act na naglalayong obligahin ang mga water service provider na magsumite ng water safety plan at magsagawa ng over-all examination sa kalidad ng tubig kada dalawang buwan at kumuha ng permit at certifications tulad ng Certificate of Potability of drinking water.
“It is imperative that the government takes an active role in ensuring that every Filipino has safe and potable water by having a comprehensive management program on water safety planning,” ayon sa Majority Leader.
Para matiyak ang preservation, management at utilization ng water resources ng bansa, inihain din ni Villanueva ang Senate Bill No. 2013 o “National Water Act” na naglalayong bumuo ng national framework para sa water resource management. Layunin din nitong magtatag ng Department of Water Resources at Water Regulatory Commission.
Ang panukalang Department of Water Resources ay isa sa sa mga priority measure ng administrasyon na nabanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address.
“For an archipelagic country with abundant water resources, we need a sole government body which is focused on water resource management and will also strengthen the implementation of water-related laws to improve coordination among regulatory bodies,” sabi ni Villanueva.
Idineklara ng United Nations ang Marso 22 ng kada taon, na nagsimula noong 1993, bilang World Water Day para tumaas ang kamalayan na mayroong dalawang bilyong tao sa buong mundo ang hindi nakakagamit ng malinis na tubig