Online selling ng paputok bawal – PNP

Mahigpit ang panawagan ng Philippine National Police (PNP) sa mga consumers online sellers ang pagbabawal sa transaksyon ng pagbili o pagbebenta ng paputok sa pamamagitan ng online selling.
Nagsagawa ng joint inspection ang PNP at Bulacan Provincial Regulatory Board sa mga pyrotechnic stalls sa bayan ng Bocaue sa pangunguna ni Gov. Daniel Fernndo, Vice Gov. Alexis Castro, PNP Chief General Rommel Marbil, BGen Leo Francisco at Bocaue Vice Mayor Serwin Tugna sa Bocaue, Bulacan Martes ng umga. Kuha ni ERICK SILVERIO
Sa panayam kay Chief PNP General Rommel Francisco Marbil sa press briefing sa isinagawang Joint Pyrotechnics Regulatory Board and Philippine National Police Fireworks Stalls Inspection sa Barangay Turo, Bocaue, Bulacan kahapon, December 18, sinabi nito na ang online selling ay prohibited under the law at aarestuhinang sino mang mahuhuling lalabag dito.
May temang “Ligtas Dapat! Tamang Pag-iingat at Paggamit ng Paputok at Pailaw ang Katapat”, isa-isang binisita at nag-inspeksyon ni Chief PNP Marbil kasama sina Bulacan Governor Daniel Fernando, Chairman ng Bulacan Provincial Regulator Board; Vice Gov. Alexis Castro; PNP Chief Marbil; PBGen. Leo Francisco, head of Civil Security Group (CSG); Police Regional Office 3 (PRO3) director PBGen. Redrico Maranan, Chief PIO PBGen Jean Fajardo;  Bulacan Police director PCol Satur Ediong at mga opisyales ng Pyrotechnic Regulatory Board (PRB) ang mga mga stalls o tindahan ng paputok sa Bocaue na tinaguriang ‘Fireworks Capital’ ng bansa.
Ayon kay Marbil tatlong bagay lang ang pakay nila sa isinagawang inspeksyon una na ang “ensure”-matiyak na lahat ng binebenta ng mga retailers ay nakakasunod sa batas, pangalawa ay “protect”- kailangan mabigyan ng proteksyon ang industriya higit sa lahat ang mga nagbebenta ng legal at ang huli ay “commitment”- masiguro na ang mga consumers, traders, local government unit ay ligtas ngayong pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Sinabi ni Gen. Francisco na ang online selling ang common problem ng mga manufacturers, dealers at legit sellers kaya naman nagsagawa sila ng meeting two weeks ago kasama ang mga stakeholders kung saan naglabas sila ng derektiba alinsunod sa derektiba ni Marbil.
Ipinaatupad ngayon ng PNP ang ‘online patrolling’ sa lahat ng mga nagbebenta sa pakikipagtulungan ng Shopee at Lazada at territorial unit, CIDG, CSG at Anti-Cyber Crime Group ng PNP para masubaybayan ang ilegal na transaksyon thru online.
“Sa online selling, very clear na hindi natin masisiguro ang kaligtasan at standard ng item na binebenta,” wika ni Francisco.
Binisita at nag-inspeksyon ng Bulacan Pyrotechnic Regulatory Board at ng Kapulisan sa pangunguna nina PNP Chief General Rommel Francisco Marbil (3rd-right), Bulacan Governor Daniel Fernando (3rd left), at Vice Gov. Alexis Castro (left) sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan upang matiyak na hindi ito nagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok at masiguro ang kaligtasan ng mga consumers. Nasa larawan din (mula sa kaliwa) Joven Ong, President ng Philippine Fireworks Association, BGen Leo Francisco, hepe ng Civil Security Group at Bocaue Vice Mayor Sherwin Tugna. Kuha ni: ERICK SILVERIO
Ayon naman kay Gov. Fernando, ang taunanginspeksyon ay isinasagawa upang matiyak na ang mga Bulakenyo at mga kababayang Filipino ay ligtas at tumutugon sa regulasyon na ipinag-uutos ng Executive Order No. 28 ng Republic Act-7183.
“Ang kampanya natin laban sa bawal na paputok ay para paalalahanan ang mga sellers at consumers kung alin ang dapat ibenta o bilhin na pyrotechnic device sa pagsalubong ng Bagong Taon,” ani Fernando.
Kabilang naman sa mga illegal firecrackers na mahigpit na ipinagbabawal ay ang Binaladen, Kabase, Tuna, Kwiton Bomb, Atomic, Pla-Pla, Coke-in-can, giant atomic, Goodbye Philippines, Christine, Carina, Ulysses, Yolanda, Pepito at ang pinakabago ang Goodbye Chismosa.