NAGPADALA ng donasyong relief goods at construction materials na nagkakahalaga ng P1.5 million ang Metro Pacific-led NLEX Corporation sa mga lugar sa Southern Leyte at Cebu na sinalanta ng nagdaang bagyong “Odette”.
Upang maipadama ang tunay na kahulugan ng pagbibigayan ngayong holiday season, ang nasabing tollway company ay namahagi rin ng Christmas package sa 350 miyembro ng host communities sa mga Pamahalaang Lungsod ng Quezon City, Caloocan City, Valenzuela City, at sa lalawigan ng Pampanga.
“Amidst the holiday rush, we would like to give back and be a channel of blessing to others. This way, we can somehow alleviate the burdens of our fellowmen who are going through difficult times,” wika ni NLEX Corporation President and General Manager Luigi Bautista.
Agad na tumugon ang NLEX Corp. sa pangangailangan ng mga nabiktima ng bagyong “Odette” kaya naman agad silang nagpadala ng mga maiinom na tubig sa bote, mga delata, kaban-kaban ng bigas, noodles, blankets, at galvanized iron sheets sa Maasin, Southern Leyte.
Nagkakahalaga naman ng P500,000 ng relief packs ay naipamahagi rin sa lokal na pamahalaan ng Cebu at Cordova.
Nagbigay din ng kontribusyon ang PBA team NLEX Road Warriors sa pamamagitan ng donasyong Christmas Party budget na nagkakahalaga ng P100,000 sa “Alagang Kapatid Foundation” na bahagi ng relief efforts para sa mga komunidad na naapektuhan ng nagdaang kalamidad.
Lubos naman ang pasasalamat ni Maasin, Southern Leyte Mayor Nacional Mercado sa NLEX dahil sa suportang ipinagkaloob dahil malaking tulong umano ito para sa kanila lalo na ngayon.
Nagbigay din ang NLEX ng Noche Buena packs sa 150 Tullahan River volunteer cleaners at sa 200 Aeta families from Porac, Pampanga bilang bahagi ng kanilang taunang inisyatibo na makapagpasiya tuwing holidays at parte na rin ng MVP Group’s “Tuloy Pa Rin Ang Pasko” campaign.
“The tollway company also organized a company-wide “Toys for Tots” project where employees may donate toys for children in Bulacan orphanages,” ani Bautista.
“Through the years, NLEX Corporation has always been committed to assist those in need. It is at the forefront of helping communities especially during calamities—ensuring that immediate, appropriate, and efficient assistance is extended to them,” wika pa nito.