NLEX Kiddie Patrol Day sa SM City Marilao

Grace Ayento, NLEX Corp. 
AVP for Customer Experience and Marketing (left) and Janette Aguilera, SM City Marilao Asst. Mall Manager (right) with Nickelodeon’s PAW Patrol characters Skye, Chase, Marshall, and Rubble during Nickelodeon Safety First with PAW Patrol campaign dubbed as “NLEX Kiddie Patrol Day” held at SM City Marilao’s Mall Atrium on Friday, June 16, 2023. Photo by: ERICK SILVERIO
ISANG makabuluhang safe driving campaign para sa kaligtasan ng mga motorista ang isinagawa NLEX Corporation, ang “NLEX Kiddie Patrol Day” na ginanap sa Mall Atrium ng SM City Marilao nitong Biyernes, June 16, 2023.
 
Ito ay bahagi rin ng ‘Nickelodeon Safety First with PAW Patrol’ campaign sa pakikipagtulungan ng NLEX Corporation at Paramount Consumer Products para sa ligtas na lansangan sa mga motorista na dumadaan sa NLEX.
 
NLEX Kiddie Patrol Day at SM City Marilao
 
Sa ginanap na NLEX Kiddie Patrol Day, binigyang diin ang pag-iingat sa pagmamaneho para sa kaligtasan ng bawat sakay lalo na ang pagpapaalala sa mga driver hindi lamang sa kaniyang sarili kundi maging sa kaniyang mga pasahero.
 
Ang naturang event ay mayroong mga exciting activities gaya ng driving simulator games, road sign marking, road safety bootcamp na nagpapaalala hinggil sa travel preparations, safe traveling, at road safety practices on the streets na kung saan pinag-iibayo ng NLEX ang hangarin nito na mahikayat ang mga motorista ang palagiang pairalin ang pagpapahalaga at pag-iingat sa pagmamaneho.
 
Ang road safety bootcamp ay dinaluhan ng mga estudyante, guro, at mga administrators mula sa Dolores Academy, Metamorphosis School Inc, and NTY Children’s Camp.
 
Dumalo rin dito sina Grace Ayento, NLEX Corp. AVP for Customer Experience and Marketing at Janette Aguilera, SM City Marilao Asst. Mall Manager.
 
Ang NLEX ay patuloy na lumilikha ng mga creative social efforts at inisyatiba sa paglulunsad ng mga programa at kampanya gaya nito para mapataas ang kamalayan ng mga motorista sa kanilang kaligtasan na siyang prayoridad nila.
 
Una siyang inilunsad noong Nobyembre 11, 2022 sa SM City Clark na kung saan ang nasabing kampanya ay nanghihikayat sa mga motorista ng wastong pag-iingat.
 
“PAW Patrol, produced by Spin Master Entertainment, is one of the most successful series in kids’ television globally and follows the adventures of a tech-savvy boy named Ryder and his team of pups who are ready to save the day,” wika ni Ayento.