PANDI, Bulacan- Pitong kalalakihan at naka-motorsiklo na pawang naka-face mask ang lumusob sa bahay ng isang sinasabi umanong pagaari ng isang Opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI,) na matatagpuan sa Villa Tierra Subdivision, Brgy San Roque, Pandi, Bulacan, Linggo ng gabi, ika-6 ng Agosto, 2023.
Batay sa ipinadalang ulat ng isang kapitbahay, na maging ang kanyang asawa ay tinanong at kinausap ng nakamaskarang kalalakihan, narito po ang englis na mensahe na ipinadala sa Katropa na ating isinalin sa tagalog: Pitong tao na may mga face mask, na nag-tipon sa gate ng nasabing bahay, na may nagtataasang pader.
Nakitaan sila ng anim na motor. At isa sa mga lalaki ang umano ay umakyat sa pader at binuksan ang gate at pinalabas lahat ng aso, na alaga ng caretaker na si Ruben. Then the guys moves towards Ruben’s gate, they try to change the CCTV camera. Then they walked down to our house and ask my wife (sender’s wife,) kung ito ay nakita niya sa CCTV na may mga nangyayari. Iyung isa sa mga lalaki ay naglalakad papunta sa direksyon ng aking maybahay, at nagtanong kung ang CCTV ay gumagana.
Sagot ng aking asawa ay oo. Nagtanong-tanong pa rin ang nasabing lalaki, hanggang tinanong din siya ng aking asawa na, kung sino ka? Tinanggal niya iyung mask at sabi niya ‘Im from the police,’ tapos ibinalik niya yung mask. Sinabing hinahanap nila ang taong nagngangalang ‘JonJon.’ Inimpormahan ni Ruben ang may-ari ng bahay, hinggil sa pakay ng mga nagpakilalang mga pulis, sinabi nitong napunta sila sa maling lugar.
Napansin pa din ng nagpadala ng ulat na ang kalalakihan ay nakasuot lamang ng mga tsinilas at t-shirts, at walang ipinakitang mga ‘police ID.’ Sa ‘video footages,’ na ipinadala ng sender, ang mga kalalakihan ay pawang may malaking pangangatawan at malalaki ang tiyan.
Nabatid pa rin sa nagpapalit ng bombilya, mula sa barangay, na putol ang kawad ng koryente sa nasabing lugar, hanggang sa kasalukuyan (habang isinusulat ito.)
Ang nasabing pangyayari ay ipinarating na sa pulisya ng bayang Pandi, na nagdulot ng mga pangamba at pagkatakot sa mga kapitbahayan.