MUNICIPAL ADVISORY GROUP HANDANG SUMUPORTA SA PNP

Naging mabunga ang pulong ng Municipal Advisory Group (MAG) at ng Bulacan Police Provincial Office Performance Strategy Management Unit Validation Team, hinggil sa Proficiency Evaluation Process (PEP) Performance Audit of Pandi Municipal Station. Ginanap sa Bayan ng Pandi, ika- 30 ng Agosto, 2023

 

Ang nasabing miting ay isinaayos ng Pandi PNP sa pangunguna ni P/Lt Col. Rey M. Apolonio, Acting CoP, Pandi Police Station, at ang nasabing pagkikita-kita ay pinangunahan naman ni P/Major Leo Estorque, Chief ng BPPOPSU.

 

Sa nasabing pagtitipon ay hiningan ni P/Major Estorque ang bawat isang kasapi ng MAG, kung ano ang kanilang maaaring magawa at maitutulong sa kapakananan ng mga Alagad ng batas. Bawat isa ay nagpahayag ng kani-kanilang suporta sa kalagayan ng mga awtoridad. Gayundin ang mga suhestiyon na maaaring mapakinabangan sa pagsugpo ng patuloy na lumalaganap na krimen.

 

Isa sa nagsalita ay ang Vice Mayor ng Bayang Pandi, Bulacan, na si Lui Sebastian, ayon sa kanya: “Gusto ko rin magbigay ng mga advice sa ating kapulisan, para po sa ikapapanatag at ikatatahimik ng ating bayan. Gumawa na po kami ng isang ordinansa para magkaroon ng mga sariling security guard ang bawat establisyemento. Aming bubusisiin ang nilalaman ng ordinance na ito, at kung ano pa po ang pwede naming i-amend o idagdag para sa ikabubuti ng bayang Pandi. “

 

Wika pa ni Sebastian na sana ay madagdagan pa ang bilang ng pulis sa nasabing bayan. At nais niya ang isang kanais-nais at kaaya-ayang lugar, para makahikayat pa ng mga negosyo. Binanggit pa niya na alam din niya at ni Pandi Mayor Rico Roque, na ang Pandi ay pautngo na sa pagunlad.

 

Tsk! Tsk! Tsk! Ang sektor ng negosyo, kantandaan, relihiyon at iba pa ay sumasang-ayon, na mapapanatili ng maaayos ang katahimikan at kaayusan sa bayang naturan sa pangunguna ng mga Alagad ng Batas na sumasakop dito. Ito ay ang tungkuling ipatupad ang batas, maiwasan ang krimen, magbigay ng emergency na pagtugon, at magbigay ng mga serbisyo ng suporta sa mamamayan.

 

Muli natin bigyan ng pansin ang kahalagahan ng pulisya, narito ang ating nakalap at pananaw. Ang pulisya ay isang mahalagang organisasyon upang mapanatili ang seguridad at kapayapaan, na may pinakamataas na layunin para sa mga tao sa lipunan. Ang pulisya ay isang mapanganib na karera, na maaari silang makaranas ng masamang epekto sa pisikal at mental na kalusugan, magkaroon ng pinsala, kapansanan, kabilang ang kamatayan sa pagganap ng tungkulin.

Kaya ang MAG ay handang tumulong upang magkaroon ng gabay ang ating mga Awtoridad sa kanilang mapanganib  na gawain.

Samakatuwid, ang angkop na tiwala ng sambayanan, na siyang bumubuo ng ikatataas ng kanilang moral ang magpapabuti ng kanilang trabaho.                                                                                                                                                                                                                                                                                

Ito ay dinaluhan ng MAG members na sila: Pandi VM Lui Sebastian, Journalist Vic Billones 111, Pastor Marlon Nebre, DILG Lolit Silva, Business sector Diosa De Luna, Rading Esteban, Konsehal ng Pandi Danny Del Rosario at OSCA Chairman Eladia Raymundo.. Hanggang sa muli!