Monumento ng Kapayapaan, Itinatag upang Gunitain ang Isang Dekadang Kilusang Kapayapaan

BALER, AURORA—Ipinagdiwang ng internasyonal na organisasyong pangkapayapaan na Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) ang ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag nito sa pamamagitan ng serye ng mga kaganapan sa 59 na mga bansa kabilang ang Pilipinas sa loob ng isang buwan. Kamakailan lamang ay inihayag sa publiko ang mga monumento ng kapayapaan sa Ermita Hill, Aurora State College of Technology (ASCOT) noong ika-2 ng Hunyo, 2023.

 

Dumalo sa seremonya ng pagtanggal ng tabing si Dr. Ronald L. Adamat, Komisyoner ng Commission on Higher Education (CHED) at founding chairman ng Volunteer Individuals for Peace (VIP). Nakalagay sa mga monumentong ito ang mga logo ng ASCOT, HWPL at VIP upang magsilbing paalala ng kanilang pangako na sama-samang itaguyod ang kapayapaan lalo na sa pamamagitan ng edukasyon.

 

Ani Dr. Adamat, “This is another milestone in our initiative for the promotion of the culture of peace. I am glad to have this unveiled because this is a sacred place, which I call a Peace Shrine and it adds to the serenity of the place [Ermita Hill]. We’ll continue to do this among the state universities and colleges in the country (Ito ay isang panibagong milyahe sa aming inisyatiba para sa pagtataguyod ng kultura ng kapayapaan. Natutuwa akong nabunyag ito dahil ito ay isang sagradong lugar, na aking tinatawag na Peace Shrine, at ito ay nakakadagdag sa katahimikan ng lugar [Ermita Hill]. Patuloy namin itong gagawin sa mga unibersidad at kolehiyo sa bansa)”.

 

Sa ngayon, ito ang ika-sampung itinayo sa loob ng campus, kabilang sa 16 na HWPL peace monuments sa buong bansa.

 

Bukod dito, inanunsyo niya na kamakailan ay inaprubahan ng Commission en Banc ang paglalagay ng mga peace corners sa mga silid-aklatan sa lahat ng mataas na institusyong pang-edukasyon upang magamit ng mga mag-aaral at kaguruan ang mga sangguniang materyal na may kaugnayan sa kapayapaan.

 

Idinaos din ang Peace Walk hindi lamang sa ASCOT kundi pati sa mga katuwang na paaralan at komunidad sa Lucban, Cotabato City, at Pila at Siniloan, Laguna bilang pagpapahayag ng suporta sa 10th Annual Commemoration of the Declaration of World Peace and Peace Walk.

 

Bukod dito, may humigit kumulang na 5,000 kalahok ang nagtipon sa Peace Gate ng Seoul Olympic Park sa South Korea kung saan iprinoklama ang “The Declaration of World Peace” noong ika-25 ng Mayo, 2013. Binibigyang-diin ng deklarasyon ang papel ng mga pandaigdigang mamamayan, kabilang ang mga pangulo ng bawat bansa, sa pagsisikap tungo sa kapayapaan. Makalipas ang tatlong taon, ipinahayag ng HWPL ang “Declaration of Peace and Cessation of War” (DPCW) na may 10 artikulo at 38 sugnay, na binuo sa pagtutulungan ng mga eksperto sa internasyonal na batas mula sa 15 bansa.

 

Sa lahat ng ito, nagtatag ang HWPL ng mga peace booth upang pausbungin ang signature campaign para sa DPCW. Sa dulo ng taon, nilalayon ng HWPL na makakuha ng 10 milyong lagda mula sa mga indibidwal na sumusuporta sa legalisasyon ng DPCW, upang isumite ito sa United Nations at ipatupad bilang internasyonal na batas.

 

Upang sumuporta para sa DPCW at/o magparehistro bilang miyembro, maaaring punan ang *form* na ito: https://bit.ly/SignUpHWPL