SOON TO RISE FOR SAN RAFAELENYOS. Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at (pangalawa mula sa kanan) San Rafael Mayor Mark Cholo I. Violago ang capsule laying ng blue print ng San Rafael Heights Development Project, isang modernong housing project ng administrasyong Marcos na idinisenyo ng First Dynabloc Construction and Development Corporation, sa idinaos na Groundbreaking Ceremony of Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Project sa Brgy. Caingin, San Rafael, Bulacan Miyerkules ng hapon. Kasama nila sina (dulong kaliwa) Kalihim Jose Rizalino Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Bise Gob. Alexis C. Castro.