ISANG ulat mula kay Gng. Imelda Giray Logronio, kasalukuyang Executive Assistant sa DepEd Central Office at Global Citizenship Education (GCED) grantee, narito po basahin natin: Ano ba ang GCED? Bakit kailangang ituro ito ngayon?
Sa kasalukuyang panahon na kung saan ay laganap ang ibat-ibang suliranin na kinakaharap ng ating bagong henerasyon, tulad ng pagkasira ng ating kalikasan, diskriminasyon, kahirapan at iba pa. GCED ang nakitang solusyon sa mga problema ng nabanggit. Itinuturo ditto ang pagmamahal sa kalikasan at pagmamalasakit sa kapwa.
Ang UNESCO-APCEIU at ang Ministry of Education ng South Korea, ay pumili ng mga guro at kawani sa Kagawaran ng Edukasyon na makasama sa 6th Global Capacity Building Workshop. Layunin ng workshop na ito, ay hasain ang kaalaman ng mga guro tungkol sa Global Citizenship Education, at ito ay maituro sa kanyang sariling bansa. Mapalad ang ating mga kawani / gurong Pilipino na napili sapagkat sinuportahan ng APCEIU ang kanilang mga proyekto.
Katunayan ay na simulan na ng mga piling guro / kawani ang kanilang proyekto. Isa dito ay naisagawa na sa lalawigan ng Samar noong Disyembre, 2021. Labing-tatlong guro ang nagsanay mula sa nasabing lalawigan. Ngayong buwan ng Pebrero ay gaganapin naman ito sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM.)
Layunin nito na palaganapin ang pagsusulong ng Global Citizenship Education sa lahat ng paaralan upang maituro sa mga mag-aaral ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa at sa kanyang mundong ginagalawan.
DRUG FREE NA ANG ISANG BARANGAY SA LSJDM
Nabanggit na rin lang ang LSJDM, narito ang ibinabalita ng butihing Alkalde ng LSJDM na si Kgg. Arthur Robes, ayon sa kanya.” Brgy POBLACION 1, SJDM NOW DRUG-FREE na! Malugod kong ibalita sa inyo na ang Brgy. Poblacion ay ginawaran ng pagkilala bilang isang DRUG-FREE barangay! Pinangunahan ni Mayor Robes, kasama si P/LT. Col. Allan Palomo, Chief of Police, LSJDM, ang paggawad ng parangal kay Punong Barangay Ronald Maningas ng Barangay Poblacion 1.
Dumaan sa masusing pagpapatibay ng Board Regulation No. 4 Series of 2021 upang ideklara na ang Barangay POBLACION 1 bilang isang Drug-Free Barangay. Tuloy-tuloy lamang natin ang magandang nasimulan para sa mas ligtas at mapayapang lungsod. Muli, congratulations Hon. Ronald Maningas!”
Tsk! Tsk! Tsk! Magaling at Maligayang bati sa Punong Baranggay na si Ronald Maningas, higit kay Mayor Arthur Robes na maayos niyang napamamahalaan ang kanyang nasasakupang Lungsod. Mabuhay po kayo na nasa LSJDM.