MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA BINIGYAN NG PAGPAPAHALAGA NI GOV. FERNANDO

“Marapat lamang na kayo ay alagaan, suportahan at bigyan pansin, sapagkat unang-una kayo po ang naglalatag at nagbibigay ng pagkain sa hapag kainan ng mga Pilipino at ng mga Bulakenyo. Salamat sa inyong mga pagsuumikap at pagpupursige.” Iyan ang sinabi ni Bulacan Governor Daniel Fernando, para sa mga Magsasaka at Mangingisda na apektado ng El Nino, sa idinaos na palatuntunan ng Distribution of Rehab Asssistance to Farmers Affected by El Nino, na ginanap sa Hiyas Convention Center, Kapitolyo ng Malolos, kamakailan.

 

Nagbabala din si Fernando sa lahat na isa na naman pagsubok ang kahaharapin ng mamamayan sa pagpasok ng La Nina, na posibleng makapagdudulot ng problema sa buhay ng tao. Pagkakaroon ng matinding baha at maaapektuhan ang mga pananim, dulot ng mga bagyong darating sa bansa. Kailangan ika niya na magdasal na huwag mangyari ang mga ganitong pagubok.

 

Isa sa makakatulong na kanyang nabanggit ay ang Farmers productivity multiplier at breeding centers sa Bulacan, na nakapaloob sa The Bulacan People’s Agenda 10.

 

Tsk! Tsk! Tsk! Nabanggit rin lang ni Gov. Fernando ang The Bulacan People’s Agenda 10, ano ba ang mga nagawa nito sa mga Magasaka, Mangingisda at sa mga Bulakenyong nangangailangan ng tulong. Heto po ang nakaalap ng Katropa na impormasyon: Ang Bulacan People’s Agenda 10 ay isang komprehensibong plano sa pagpapaunlad na naglalayong mapabuti ang buhay ng mga Bulakenyo. Ayon sa ulat, ang mga sumusunod ay ilan sa mga nagawa ng planong ito, Sa Agrikultura, ang pagtataguyod ng napapanatiling agrikultura sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa pagsasaka. Ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga magsasaka at mangingisda upang mapabuti ang kanilang produktibidad. Ang pagtatatag ng mga sentrong pang-agrikultura upang magbigay ng suporta sa pagsasanay at marketing para sa mga magsasaka.

 

Idagdag pa natin ang Proactive Social Services. Ang pagpapatupad ng mga social welfare programs na nakatuon sa pagpapaunlad ng pamilya, pag-iwas sa kahirapan, at pagtugon sa kalamidad. Ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang social welfare programs at ang pagpapalakas ng mga programang nakabatay sa komunidad laban sa pang-aabuso sa droga. 

 

Ang pagpapatupad ng iba’t ibang proyektong pang-imprastraktura tulad ng mga road network, tulay, flood control systems, water supply system, pampublikong pamilihan, at iba pang development projects sa bawat bayan sa lalawigan ng Bulacan. Ang mga proyektong ito ay naglalayong isulong ang paglago ng ekonomiya, lumikha ng mga trabaho, at mapabuti ang kalidad ng buhay sa mga komunidad na ito.

 

Iyan ay ilan lamang sa marami ng naisagawa at natulungan ng Bulacan People’s Agenda 10, sa kalagayan ng mga Magsasaka at Mangingisda at iba pang sektor ng lipunan mula sa bukas-palad na pagtulong nila Gov. Fernando at VG Alexis Castro ng Lalawigan ng Bulacan. 

Ang masidhing pagnanasa ni Gob. Daniel na maglingkod at mahusay na pagganap, ay nagbukas ng mga pinto sa maraming mga programa na tumutulong sa pag-angat ng buhay ng bawat Bulakenyo. Kilala siya sa kanyang priority program na The People’s Agenda 10 kung saan ipinakita niya ang kanyang debosyon sa tungkulin sa pamamagitan ng pag-una sa mga tao.

Hanggang sa muli!