Pasalamatan natin ang ilan nating mga kababayan na nag-donate ng kanilang dugo, para sa ating mga kapwa-Bulakenyo, na nangangailangang masalinan ng dugo, na kasalukuyan ay nasa pribado at pampublikong pagamutan sa Lalawigan ng Bulacan. Umaabot sa 252 bags ng dugo ang nakolekta ng Mobile Blood Donation program na pinasimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod ng Malolos, kamakailan. Pinasalamatan ni Bulacan Governor Daniel Fernando, ang mga ‘donors,’ “maraming salamat po sa inyong ginawang pagmamalasakit sa ating kapwa Bulakenyo. Diyos na po ang bahalang gumanti sa inyong kabutihan.”
Tsk! Tsk! Tsk! Mabuhay ang mga ‘donors’ at kay Gov. Daniel Fernando.
***
OSPITAL NI DRA. CABUCO GINAWARAN NG AWARD
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita kami ni Kgg. Dra Rosalyn Cabuco, isang huwaran, lagi ng pinaparangalang Manggagamot at Konsehala ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan. Sa maikling paguusap ay ating napag-alaman mula sa kanya na siya ay nabigyan ng ‘awards’ tulad ng: Saludo Award, Most Empowered Woman In Business Management & Entrepreneurship 2022, ito aniya ay para sa Dr. Cabuco Hospital, dahil sa libreng tuli at panganganak at iba pa, gayundin ng Philippine Social Media Award.
Nagbigay din si Cabuco ng paalala sa mga Taga-LSJDM: “Sana itong panahon ng ‘pandemic’ ay sundin natin ang ‘health protocols,’ ang Dengue sa kasalukuyan ay ang pinakamalaki na madaming ‘cases’ ngayon. Sana po ay maglinis, at gawin ang ‘4S,’ una ang ‘search and destroy, second ang secure self protection, third is seek early consultation, huli ay support ng indoor at outdoor spraying to prevent impending outbreak.’ Iyan ang uso, ‘since’ tag-ulan po kasi. Panatilihin na malinis ang bahay , itapon ang ‘stagnant’ na tubig sa mga ‘flower base.’ Takpan ang mga ‘aquarium,’ dapat may isda na kumakain ng mga kiti-kiti, na pinamumugaran ng mga lamok. Sa inyo pong lahat, laging magiingat and God bless you all!”
Tsk! Tsk! Tsk! Mabuhay po kayo Dra Rosalyn Cabuco!
***
ACTIVE FORCE MULTIPLIERS BINALIKAN NG SUPORTA NG PANDI MAC AT PNP
Umabot sa 14 na batang magaaral, pawang mga anak ng mga ‘Active Force Multipliers,’ ang nabigyan ng pagkakataon na makapanayam ng mga miyembro ng Municipal Advisory Council (MAC,) bayan ng Pandi, para sa muling deliberasyon ng mga Scholar na aplikante at paglulunsad ng Project EDUC – Edukasyon para sa Pag-unlad at Pag-angat ng buhay ng Komunidad, upang makapag-aral ng libre, sa pamamagitan ng ‘scholarship program.’
Isang proyektong pinasimulan ng Pandi Municipal Advisory Council (MAC) at Municipal Police Strategy Management Unit (MPSMU) sa pakikipagtulungan ng HEI Higher Educational Institution- College of Mary Immaculate of Pandi, Bulacan Inc. (CMI).
Ang mga ‘force multiplier’ ay ang mga sibilyang boluntaryo na tumulong sa mga tauhan ng Pandi MPS sa pagpapatupad ng mga interbensyon ng pulisya, tulad ng mga checkpoint, OPLAN SITA at iba pa. Ang nasabing programa ay nasa mabuting pangangasiwa nila Pandi Mayor Rico Roque, bilang Chairman ng Municipal Advisory Council at mga miyembro nito, katuwang ang Chief of Police ng Pandi MPS P/Lt.Col. Alex Apolonio. Ginanap ang deliberasyon sa salas ng Sangguniang Bayan ng Pandi, ika-27 ng Hulyo, 2022.
Tsk! Tsk! Tsk! Maganda ang ‘harmony’ sa pagitan ng MAC at ng PNP, Pandi. Pagbati kay NUP Rowena Rallonza na nadestino na sa Camp Crame. Gayundin kay Hepe Apolonio, Mabuhay po kayong magigiting na kawal ng ating Pamahalaan.