
Nakikita kaya ng mamamayan ng Sta. Maria, Bulacan ang mga proyekto na ating babanggitin kasunod ng mga ibinulgar ni Pangulong Bongbong Marcos na anomalya sa mga flood control projects?
Tanungin natin si Bulacan 2nd Engineering District Engineer GEORGE SANTOS, dahil wala kaming nakita sa mga proyektong ito.
At saka wala namang ilog sa isang nabanggit na barangay?
‘Di po ba umambon lang ay baha na sa mga nasasakupang bayan ng Bulacan 2nd District Engineering Office tulad ng Obando, Marilao, Sta.Maria, Angat, Norzagaray at mga lungsod ng Meycauayan at San Jose del Monte?
Pero walang hakbang na ginagawa ang tanggapan ni George Santos lalo pa at ang mamayan sa mga nabanggit na bayan at lungsod ay nagdusa at lumubog sa baha noong nakaraang habagat.
Ang sa atin ay maliwanagan lang ang mga proyektong tulad nito.
Project Description: Bank Improvement along Sta. Maria River and Tributaries, Sta. 08+900 – Sta. 09+304 (San Jose Patag-Pulong Buhangin Section), Sta. Maria, Bulacan BULACAN
Contractor: NEWBIG FOUR J CONSTRUCTION INC., (FORMERLY FOUR J
Cost: 98,912,408.09
Completion Date: 04/06/2025 Report
Project Description: Bank Improvement along Sta. Maria River and Tributaries, Sta. 09+304 – Sta. 09+708 (San Jose Patag-Pulong Buhangin Section), Sta. Maria, Bulacan BULACAN
Contractor: NEWBIG FOUR J CONSTRUCTION INC., (FORMERLY FOUR J
Cost: 98,916,463.13
Completion Date: 04/06/2025 Report
At heto pa may nasaliksik pa tayo, na dapat ding alamin ng mamamayan sa Sta.Maria kung meron din nito…
Project Description: Bank Improvement along Sta. Maria River and Its Tributaries, Sta.12+940- Sta.13+344 (San Jose Patag-Pulong Buhangin Section), Sta Maria, Bulacan BULACAN
Contractor: EIRISH BUILDERS & SUPPLY INC.
Cost: 88,355,337.98
Completion: 02/22/2025 Report
Ang nakapagtataka dito, nauna ang project ng Eirish Builders and Supply Inc. pero ilang buwan lang ay nasundan na ito ng New Big Four J Construction Inc na ito rin ang Project Description.
Ano ito, guni-guni rin, Sen. Lacson?