Sa isang pagkakataon ay sinorpresang dalawin ang tahanan at nakipagkita ng personal sa Katropa, ang matikas at masipag na si P/Lt. Col. Rey Apolonio, Chief of Police ng Pandi, Bulacan, kasama sina Patrolman Cambria Rivera at isa pa, kamakailan.
Matapos ang kumustahan ay nabanggit niya ang papalapit na Halalang pam-baranggay. Ayon kay P/Lt. Col Apolonio, sa ika-28 ng Oktubre, ’23, ay magsisimula na ang checkpoint ng motorsiklo at mga kotse. Isang checkpoint ang ilalagay sa ‘strategic area’ ng bawat bayan. Bawal ang pagdadala ng mga ‘deadly weapon,’ tulad ng baril, ‘bladed weapon’ at anumang replika ng mga ito. ‘Liqour ban’ ay kanilang hihigpitan sa panahon ng pagboto sa ika-30 ng nabanggit na buwan.
“ Sa election period, ay normal naman na nangyayari (ang mga dapat ipagbawal,) at hindi na bago sa inyo. Para maiwasan natin na magkaroon ng problema, na hindi kayo maaresto at makasuhan, ay huwag na natin ipilit o gawin ang hindi tama. Kung ano ang ipinagbabawal ay bawal talaga, at saka ‘bear with us’ dahil magkakaroon po ng ‘inconvenience’ sa inyong mga motorista, sa ‘pagpa-flagdown,’ pagpapara at pagtse-tsek ng inyong mga sasakyan,” wika ni Apolonio.
Napagalaman pa ng Katropa na ang oras at simula ng kanilang checkpoint ay gagawin sa gabi hanggang magdamag. Ang oras ay depende at ang bilin ay magmumula sa provincial office.
“ Pero normally po iyan ay magdamagan,” patapos ni Apolonio.
Tsk! Tsk! Tsk! Salamat sa pagdalaw at Mabuhay ang Pandi PNP at kay COP P/Lt. Col Rey Apolonio!