MATAGUMPAY na naisagawa ang kauna-unahang pamamahagi ng Modified Conditional Cash Transfer – Enhanced Support Services Intervention (MCCT-ESSI) sa mga katutubong Aeta ng San Marcelino, Zambales nitong Enero 19, 2022.
Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng Php 10,000. Ito ay naglalayong magbigay ng dagdag na puhunang pangkabuhayan sa mga benepisyaryo ng programa.
Sa mga sumunod na araw ay patuloy ang pamamahagi ng MCCT-ESSI para sa iba pang katutubong benepisyaryo sa probinsya ng Zambales. Tinatayang nasa 187 (Subic – 17, Olongapo – 17, Castillejos – 2, San Marcelino – 63, San Narciso – 4, Cabangan – 31, Botolan – 34, Masinloc – 19) na mga benepisyaryo mula sa walong munisipalidad at siyudad ng probinsya.
Inaasahan na sa mga susunod na buwan ay magkakaroon din ng iskedyul ng payout sa iba pang probinsya ng Gitnang Luzon.