Pumanaw na ang tinaguriang “Ang Alamat” na si dating Mayor Leonardo “Narding” De Leon ng bayan ng Angat, Bulacan.
Si Mayor Narding ay pumanaw sa edad na 86. Siya ay nahalal at naupong alkalde ng Angat sa loob 29 taon.
Wala pang official statement mula sa pamilya sa sanhi ng pagkamatay maliban sa impormasyon na si De Leon ay isinugod umano kahapon Enero 4 sa Castro Maternity and General Hospital dahil sa pagbaba umano ng oxygen hanggang sa ito ay bawian ng buhay ngayong Linggo (Enero 5) bandang alas-2:30 ng hapon.
Si De Leon ay nagsilbing alkalde ng bayan ng Angat mula pa noong 1987 hanggang 1989 bilang kapalit ng noo’y punong bayan na si Francisca Valarao at opisyal na nahalal mula 1989-1998, 2001-2010, 2013-2022 kaya naman siya ay tinaguriang “Ang Alamat” ng Angat, Bulacan.
Si Mayor Narding ay nagbabalik at tumatakbong sanang muli bilang alkalde para sa 2025 Elections.