MASAYANG ipinagdiriwang ng mga Katoliko at Kristiyano, ang panahon ng kapanganakan ng Panginoong Hesus. Isa na dito ay ang masayang ‘Christmas Party’ ng Pandi Philippine National Police (PNP,) na dinaluhan ng ilang miyembro ng Municipal Advisory Council (MAC,) kamakailan.
Binati ni P/Lt. Col Gilmore Wasin, Chief Pandi PNP, ang kanyang mga nasasakupan sa kanilang pagpupunyagi na maitaas ang imahe ng Pandi PNP, nitong nakaraang buwan ng Oktubre, 2022, at pinaalalahanan ang lahat ng kawani ng naturang tanggapan na suportahan ang kanilang Chief PNP, partikular na sa ‘security framework’ nito. Narito pa ang kanyang mensahe: “Let’s us support our Chief PNP. Ang bilin ko sa inyo, magtrabaho tayo ng mabuti , gawin ang tama at maayos na serbisyo sa kapuwa, iyan ang sa tingin ko ang ‘essence’ ng Christmas. Tumulong tayo sa kapuwa natin, maliit man iyan o malaki ang importante ay nakapag-serbisyo tayo. Iyung ‘sacrifices’ ni Jesus Christ, wherein He offered his life just to save us, mai-translate natin iyung sakripisyo natin para sa pagseserbisyo sa ikabubuti ng mga kapwa Pandienos. Pakiusap, magtrabaho tayo ng maayos, matino at mahusay hindi tayo mawawala.”
Ang pagbati mula naman kila P/ Staff Sgt Ryan Castro, Imbestigador, Pandi, PNP, “ bumabati ng isang maligaya at masaganang Pasko para sa lahat ng Pandieno. Mabuhay po tayong lahat!
P/Lt. Michael Angelo ‘Mykel’ Baguio, Chief ng MCAD, Pandi PNP, “ Bumabati po kami ng isang masagana at maayos na Christmas season. Kami po ay laging nakasuporta lalo na po sa ‘peace and order,’ sa ipinatutupad ng aming hepe na si P/Lt. Col Gilmore Wasin, na lagi pong nakasuporta sa lahat ng barangay at community sa Pandi. Maging payapa, maayos na pagpapatupad ng batas at mga pamamaraan para po tayo maging ‘zero crime’ sa Pandi.’’
Ayon naman sa Konsehal ng bayang Pandi na si Kgg. Danny Del Rosario, “ Isang maligayang Pasko sa ating mga Ka-Pandienos! Sana po makamit natin ang katiwasan at kaayusan ng ating bayan, lalo na po sa panunugkulan ng ating butihing Mayor Rico Roque, sana po tuloy –tuloy lang ang serbisyong may puso at talino.”
Mula naman kay Konsehal Nonie Sta.Ana: “Maligayang Pasko at Manigong bagong taon. Sana po ay patuloy tayong sumuporta sa team ng Puso at Talino. At panalanagin po sa Poong Maykapal, at sa buong bayan ng Pandi na maging mapayapa..”
Tsk! TSk! Tsk! Iyan ang naganap sa pagdiriwang ng kapaskuhan sa hanay ng mga Alagad ng Batas sa bayan ng Pandi, na dinaluhan ng Katropa at ilang kasamang kasapi ng Municipal Advisory Council (MAC) na sina Konsehal Del Rosario at Sta. Ana ng bayang naturan.
Isa pang Christmas Party ang ating dinaluhan na kung saan ang Katropa ay nakasungkit ng pangunahing premyo, sa isinagawang rapol sa Pasasalamat ng Bulacan Press Club (BPC,) Kamakailan. Maraming Salamat sa lahat ng may mabubuting puso ngayong panahon ng Kapaskuhan, higit sa aking may-bahay at anak na nasa ibayong dagat. Merry Christmas sa inyong lahat! Feliz navidad y prospero ano nuevo!