BULAKAN, Bulacan–Ginunita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Governor Daniel Fernando at Vice Gov. Alex Castro ang ika-173rd Birth Anniversary ni Gat Marcelo H. Del Pilar kung saan Si Secretary Benhur Abalos ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Panauhing Pandangal ngayong araw, Agosto 30, 2023 sa Sitio Cupang, Barangay Cupng, Bulakan, Bulacan.
Ang selebrasyon ay may temang “Marcelo H. De Pilar Liwanag ng Nakaraan, Tanglaw natin sa Kasalukuyan” ay nagkaroon ng wreath laying activity na pinangunahan nina Abalos, Fernando, Castro kasama sina Bulakan Mayor Patrick Meneses, Vice Mayor Aika Sanchez at PRO3 regional director BGen. Jose Hidalgo Jr. At Bulacan PNP director Col. Relly Arnedo. ang araw na ito bilang non-working holiday sa probinsiya kasaay na rin ng pagdiriwang ng kauna-unahang National Press Freedom Day.
“The future will not be anymore determined by the resources of gold and silver but technology. Those rich and powerful persons nowadays like Bill Gates, Elon Musk, Jack Ma among others uses technology,” wika ni Abalos.
“At kung may isang bagay man na hindi magbabago ay ang katangian ng katapangan, kadakilaan at pagmamahal. At kung mayroon mang problema na hindi magbabago noon man at ngayon, yan ay ang problema ng kahirapan, kagutuman at problema sa droga,” dagdag pa nito.
Para naman kay Gov. Fernando naniniwala ito na si Gat. Marcelo H. del Pilar bilang isang journalist at sa tulis ng kaniyang panulat ang siyang nagsindi sa sulo upang uminit ang rebolusyon sa puso at espiritu ng bawat Filipino.
“Sa ilalim ng pamumuno ni Del Pilar, ang layunin ng pahayagan ay pinalawak gaya ng aktibong pagsali ng mga Pilipino sa mga gawain ng pamahalaan, kalayaan sa pagsasalita, sa pamamahayag at kalayaan sa ibat ibang aspeto ng lipunan at pulitika,” ani Fernando.
Si Del Pilar ay tinaguriang “the great propagandist” at kinilala rin bilang Father of Philippine Journalism.
Ang buong bansa ay ipagdidiwang din ang National Press Freedom Day matapos aprubahan at lagdaan ng noo’y dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang RA 116991 Na nagdedeklara taun-taon ang Marcelo Del Pilar Day bilang National Press Freedom Day.