Apat na taong gulang na Junior Kindergarten na lalaki, nag ‘dirty fingers’ sa kanyang guro ng sabihan itong ‘you sit down and keep quite.’ Ayon pa sa ulat na ipinadala sa Katropa ng isang Opisyal ng eskuwelahan, “nang sabihan ng nasabing guro ang bata ay biglang tinignan ng matalim ang titser sabay nag-dirty finger.”
Dahil dito ay kinausap ng Opisyal ng paaralan ang magulang ng batang lalaki. “Pinaiwan ko ang bata para pag-sundo ng parent makausap ko. According sa daddy ng bata, sila lang sa house palagi at mag-isa kasama ang anak. Bihira din makalabas ang bata. Siya din ay nagtaka nang nai-kwento namin. Kaya lang upon talking sa naturang Ama, na-observe ko iba training n’ya sa bata, isang sitsit lang sa bata nasunod. Parang aso naman sinisitsitan,” wika pa ng nasabing Opisyal.
Ayun pa rin sa Opisyal na naging mahaba ang usapan nila ng Ama ng bata, noong araw na magkita sila. Dito ay napag-alaman na ang bata ay laging hawak ang gadget na tablet, at hinihinala ng Ama na baka daw sa Youtube nakita ang ‘dirty finger’at ginaya nito.
“Sabi ko na hindi maganda sa bata ang ‘expose sa gadget’ kasi yung ‘friend’ ko na ‘behavioral pediatrician’ yan agad ang ‘question’ sa mga ‘client’ nya. kung ang bata ay ‘expose sa gadget,’ kasi masama sa bata. May checklist yan upon assessment kapag magkaroon ng 2 or 3 sa observation, at sa checklist, that’s the time na ang bata ay hindi normal. For suggestions na ipa-assess nila ang bata sa developmental behavioral or occupational therapist. ang sinasabi ko lang na meron dapat sa bata na ma-correct,” dagdag pa ng Opisyal.
Tsk! Tsk! Tsk! Dapat alalahanin na ang Junior Kindergarten ay isang bahagi ng isang sistematikong pagbabago sa edukasyon, andito ang pag-unlad ng bata at paglago. Madali silang maka-adapt sa kanilang mga nakikita at nadidinig, na kanilang ginagawa na sa akala nila ay tama.
Ika pa ng nagpadala ng ulat, dahil sa pagbabago ng takbo ng teknolohiya, karamihan sa mga bata ay may speech delay gawa ng gadget. Akala ng parents ay ok yun, at nagawa nila ang mga ibang gawain, kasi nalilibang ang bata sa pinapanood nila sa gadget. Oo nag eenjoy ang bata pero walang interaction hindi sila nagsasalita, kasi nga enjoy sa pinapanood.
“Ang status ng bata ngayon ay under observation pa din pero nag-design kami ng guro na early childhood teacher, at gumawa kami ng program na ito separate those kids na nakikitaan ng red flag signs. Baka maiba ang behavior nila kapag small group lang sila, at more on activity nila para ang focus ay maiba hindi maglikot inside the classroom, kasi busy sa activity,” patapos ng ulat sa Katropa.
Ang Gadget ay maaaring makatulong sa mga gawain sa paaralan at pag aaral ng mga bagong kasanayan. Maaaring magturo ng responsibilidad, pagkamalikhain, disiplina, at balance, pasiglahin ang imahinasyon at pandama at itaguyod ang wika at pakikinig, Ang mga gadget ay maaaring makatulong sa isang bata na umangkop sa mundo na puno ng teknolohiya at matuto ng mga bagay nang mas madali.
Bagamat andoon na tayo sa makabuluhang nagagawa ng mga Gadgets, subalit kailangan pa rin ang subabay ng mga magulang o ng mga nakatatanda, upang sa gayun ay hindi maligaw sa tamang gawi ang isang batang musmos, tulad ng isinusumbong dito. Ituro sa mga bata ang dapat panoorin, ipaalam ang mali at tamang tingnan sa hawak na tablet. Samakatuwid pagbabantay, at gabay ninyong mga Magulang ang kailangan ng inyong mga anak. Hanggang sa muli.